Chapter 9: Inuman Na

46.3K 1.7K 462
                                    

CHAPTER 9

"Tama na 'yan inuman na. Hoy! Pare koy, tumagay ka.

Nananabik na lalamunan, naghihintay nag aabang."

- Inuman Na by Parokya Ni Edgar


I looked at my reflection in the mirror and smiled at what I saw.

I looked hot. 

Sigurado akong iinit ang ulo ni Apollo kapag nakita niya kung gaano ka-revealing ang suot ko. Baka maputukan pa siya ng ugat sa galit because I'm deliberately breaking his ridiculous rules. If that happens, sana may makakuha ng video.

There was a knock on the door. "Miss Ara?"

"Pasok ka, Leila," I answered, still admiring my reflection. My bubble gum pink is pulled up in a half-bun, my make-up is on point, my legs looked longer with my high-waisted distressed black shorts and the black lace bralette that I'm wearing made my boobs look bigger.

Honestly, I looked bangable.

"'Di ka pa tapos mag-ayos?" tanong niya pagpasok niya ng kwarto ko. Nakasimpleng yellow summer dress siya at nakalugay ang buhok. She's so pretty, I hope she'll get laid later.

Kaso wala akong magiging kasabay pauwi later. So no-no pala ang hook-ups sa kanya. I doubt she'll do that naman.

"Patapos na ako." Sinipat ko muna one last time ang outfit ko kung merong out-of-place. Hmm... I think I'm good.

"Di ka ba lalamigin sa suot mo?" tanong niya habang nakatitig sa akin, nagtataka at mukhang nag-aalala.

"I'm thick-skinned, Leila," pamimilosopo ko. Sa kapal ng balat at mukha ko, hindi na ako tatablan ng lamig at hiya mamaya sa eksenang pinaplano ko.

Tumango siya. "Okay. Pero magdala ka pa rin ng jacket, just in case." 

I just took a plaid shirt with me, just in case lamigin ako at para hindi na mag-alala si Leila dahil baka hamugin ako or what.

"Anong nakakatawa?" tanong ko nang mapansin kong natatawa siya.

Pinigilan niya ang sarili niya sa pagtawa para makasagot nang maayos. "'Yan lang pala ang susuotin mo pero ang tagal mong nag-ayos."

I grunted nang maalala ko ang paghihirap ko kanina kaya ako natagalan bago makapag-ayos. Minadali ko pa 'tong porma ko ha.

"Actually, kanina pa dapat ako tapos kaso inuna ko muna yung homework ko," I said with a sigh. 

"May homework ka na agad?" gulat niyang tanong.

I rolled my eyes. Same girl. "I know, right? First day na first day, meron kaagad!" Nakaka-stress talaga dito sa probinsya. Hirap mag-research ng walang matinong signal ng data! "Anyway, paano kayo nakaka-survive ng walang wi-fi?"

Kumunot ang noo niya. "Umm, may wi-fi kami dito."

Napakunot na rin ang noo ko sa pagtataka. "Huh? Bakit wala naman akong nasasagap–Shit. Fuck. Fucking shit!" FUCKING HELL. APOLLO. "Pinapatay ni Apollo yung router kapag nandito ako?!"

Napangiwi si Leila dahil sa pagsigaw ko. "Hindi ko alam kung bakit niya pinapatay yung router..."

Dahil pinagti-tripan niya ako!

"Humanda talaga sa'kin 'yan." Argh. Nakakapikon na talaga siya. Paano ako gagawa ng homeworks ko at paano ako magiging matinong assistant sa kanya kung hindi niya ako bibigyan ng access sa wi-fi nila dito? Bwisit talaga! 

His Girl FridayWhere stories live. Discover now