Chapter 1: KLSP

82K 2.2K 399
                                    


CHAPTER 1

Sino 'tong nakatingin? Anghel bang magliligtas sa'kin? - KLSP by Spongecola


Malo-lowbatt na yung phone ko dahil sa kakakuha ng picture sa landscapes na nadadaanan ng sinasakyan naming pick-up truck. Sayang nga dahil hindi nila ako pinayagan na sumakay sa likuran. Sobrang init daw para magbilad ako sa araw.

Next time na lang sabi ni Mang Wen.

Anyway, as soon as may makita akong place na matino ang internet connection, mapupuno ng Hacienda Arcangel ang Instagram feed ko. Maa-update ko na rin yung friends ko kung nasaang lupalop ako ng Pilipinas ngayon.

Ang alam ko lang ay nasa bandang Norte ako.

Kung sino man ang titingin ng feed ko later, for sure mapapakanta na lang sila ng The Sound of Music dahil literal na 'the hills are alive' ang feels dito. That is kung may signal nga akong mahahanap mamaya.

"Nalintakan na!" narinig kong sabi ni Mang Wen bago niya hamapasin ang manubela.

"Ano pong nangyari?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng backseat matapos lumingon sa wind shield. Bakit kami tumigil dito sa gitna ng tubuhan?

"Ma'am Ara, tumirik po yung kotse. May problema po yata sa clutch. Sisilipin ko lang po yung makina," sabi nito bago bumaba ng kotse.

Nilingon ko si Mama na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Gusto ko sana siyang gisingin para tawagan na lang si Tito Eric. Pero napagod kasi si Mama sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Wala siyang tulog kasi gusto niyang wala talaga kaming bakas na maiiwan.

Which is napaka imposible naman. But she still tried.

***

Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin bumabalik sa loob ng kotse si Manong Wen. Sumilip ako sa bintana at nakita kong kumakaway siya. Hindi ko lang makita kung kanino dahil hindi na abot ng mga mata yung kinakawayan niya.

Pero dahil isa akong tsimosang bata, bumaba ako ng kotse para makita kung anong meron. Baka mamaya mga NPA na pala yung sinisenyasan ni Manong Wen. If ever that's the case nga, may time pa ko para gisingin si Mama para makatakas kami.

Pero ang main reason talaga ay dahil sa curious lang talaga ako. At naiinitan. Dahil patay yung makina at nakapatay ang a/c ng kotse. Ewan ko lang paano natitiis ni Mama yung init sa loob. Dala siguro ng matinding pagod sa pag-iimpake last night.

Napahinga ako ng malalim dahil sa lakas ng fresh air na sumalubong sa akin the moment na bumaba ako ng kotse. Walang ganito sa Manila! Parang napaka-foreign ng idea na fresh air ang nilalanghap ko ngayon!

Nakaka-distract din ang kulay ng paligid. Everything is so colorful here! Yung tubuhan, yung mountains, and yung dirt road! Yes, dirt road! Sobrang colorful nilang lahat! Aakalain mong naka-filter yung nakikita mong scenery.

Nakaka-amaze!

I'm looking forward sa paglilibot sa tinatawag nilang Hacienda Arcangel. Sana marami pa akong makita doon para hindi naman ako ma-bored kaagad dito sa probinsya. Mukhang magkakatotoo ang sinabi ni Mama, magugustuhan ko ang Hacienda Arcangel.

But we'll see....

Bumalik ang atensyon ko kay Mang Wen nang may marinig akong kakaibang tunog. 

Nilingon ko ito.

Meron talagang moments sa buhay mo na hindi mo inaasahan na dadating no? At meron ding moments na maloloka ka na lang kasi hindi mo akalain na mangyayari yun sa'yo.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now