Chapter 35: Biglaan (Part 2)

25.8K 1.1K 461
                                    

CHAPTER 35

"Hindi ako sanay sa biglaan,

Unti-unti na lang sanang nawala."

- Biglaan by 6cyclemind


Continuation...


As soon as my bedroom door closed shut, I was like a rocket. 

I was a woman on a mission. After every fucking thing that happened, no one can and will ever stop me from what I'm about to do.

I went straight to my cabinet and pulled out my biggest backpack, and with that, I started packing my shit. Lahat ng importanteng bagay sa akin ay kinuha ko at ipinasok sa bag ko. Yung travel essentials ko na galing pa sa last trip namin ni Apollo, documents, toiletries, 5 pairs of underwear, pants, shirts, his black hoodie...

Kumuha na rin ako ng damit na susuotin ko sa pag-alis ko. Hindi naman pwedeng suot ko itong dress sa pagtakas ko, diba?

I slumped on the floor, scrambling to get all my things sorted inside of my backpack.

"What's going on?" Everly's frantic voice got through me and I stopped my shaking hands from whatever the fuck they're doing.

I looked up at her and answered robotically. "Nag-iimpake."

"Saan ka pupunta?" Leila asked as she walked towards me.

I shrugged. "Doesn't matter." Saan? I don't know. Ang mahalaga ay makaalis ako sa impyernong 'to at makalayo sa lahat ng nanakit sa akin.

"Paano ka makakaalis?" Everly shot back.

"May kotse ako."

Umupo sa tabi ko si Leila at hindi ko nagustuhan ang pagbuntong-hininga niya. "Nakatago na lahat ng susi sa safe ni Don Eric."

Napapikit ako at huminga nang malalim. Hindi pa ako pwedeng sumabog, hindi ako pwedeng sumigaw dahil baka ito pa ang maging dahilan para mapigilan nila ako sa mga pinaplano ko.

"Alam mo ba combination ng safe niya?"

Umiling siya. "Hindi."

Sinubukan ko ulit pakalmahin ang sarili ko, nakalimang ulit na ako sa paghinga nang malalim pero hindi ko pa rin magawang kumalma. I know the rage and indignation I feel inside me is about to blow up and I can't do anything about it.

"At dahil maraming bisita, marami ring in-employ na security detail si Don Eric para magbantay sa mga gate at sa party mismo."

And that did it.

"FUCK!" I started screaming. "I cannot fucking stay here anymore! I want to leave this fucking shithole! I. NEED. TO. LEAVE. NOW!"

Everly wrapped her arms around me and tried to calm down my hysterical ass. "Hey, girl. Calm down. Walang aalis, okay?"

Napailing ako sa narinig ko. "Nakita niyo ba 'yung nasa stage kanina? O magkaiba tayo ng party na pinuntahan? Kasi nakita ko 'yung boyfriend ko na na-engage sa ex-girlfriend niya." I moved away from her and stood up. Nagpalakad-lakad ako, paikot-ikot sa kwarto ko na parang tanga. "Tapos 'yung nag-announce pa nun ay 'yung nag-iisang father-figure ko at 'yung nag-iisa kong magulang!"

Can't they see how fucked up this situation is?

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanila. "I need to leave Casa Arcangel tonight or else mababaliw ako na talaga ako."

His Girl FridayWhere stories live. Discover now