Chapter 10: Kailan

50.5K 1.8K 424
                                    

CHAPTER 10

"Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? 

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin."

- Kailan by MYMP


There was a knock on the door at dahil sa mahinang tunog nito, alam ko nang si Leila ang kumakatok. "Miss Ara?" 

Dahan-dahan akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto. "Leila?" 

Nakangiwi siya nang papasukin ko siya sa loob ng kwarto ko. "Ang sakit ng ulo ko," sabi nito pagkalapag ng dala niyang puting box.

"Congrats sa first hang-over mo," pang-aasar ko sa kanya bago umupo sa kama.

Sumimangot siya. "Bakit okay ka lang? Mas madami kang nainom."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ba obvious na hindi ako madaling malasing? Bakit pa siya nagtataka? "I had practice, Lei. Yaan mo, sasanayin kita para di ka malalasing agad."

Nanlaki ang mata nito bago umiling. "No, thanks."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinong nagsabing may choice ka?" Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya at tinuro ang puting box na dala niya. "Anyway, ano 'yang dala mo?"

"Pinapadala ni Sir Apollo. Dress mo para mamaya."

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Ano na namang trip ni Apollo? "Dress? Mamaya? Anong meron?"

"Hindi mo pa ba alam? Wala pang nagsasabi sa'yo?" Napakamot ng ulo si Leila. "Mamaya na yung 63rd Annual Hermosa Heritage Party. Ipapakilala na kayo mamaya ni Don Eric sa buong Hermosa."

Heritage Party? Parang wala akong naaalala na kinwento ni Leila tungkol dito nung tinanong ko siya about sa social scene ng Hermosa.

"Huh? Bakit? Para saan?"

"Taon-taon ginaganap itong Heritage Party dahil dito nagmi-mingle ang members ng big families dito sa Hermosa," paliwanag niya habang nakangiti nang malaki.

"Napaka-elitist naman," I scoffed. Nasa Teleserye ba tayo? "Ayoko pumunta."

Umiling siya. "62 years na nilang ginagawa 'to at kailangan mong pumunta mamaya. It will be disrespectful kung hindi ka pupunta. Baka magalit si Don Eric."

"If pupunta ako, dapat pupunta ka rin," pagmamatigas ko. Ayoko talagang pumunta.

"Hindi pwede. Helper lang ako dito, Ara."

Wala akong paki kung helper lang siya dito sa Casa Arcangel. Kaibigan ko din siya. "You're my friend, too. At kung gusto mo maging teknikal, you're my lady-in-waiting, kaya kung gusto man kitang nandun, pupunta ka. Dahil ikaw ang chaperon ko. Ikaw ang date ko."

Napangisi siya bigla. "Actually... may date ka na."

"What? Sino?"

"Si Sir Apollo ang magiging escort mo buong gabi."

"Noooo!" sigaw ko. "Bubwisitin niya lang ako the whole night! You have to be there with me!"

"Hindi talaga pwede. If it makes you feel any better, invited naman ang family ni Everly." Tinignan ko lang siya nang masama habang patuloy siyang nagsasalita. "Tsaka madalas may afterparty ang mga tagapagmana pag tapos ng Heritage Party."

Napatigil ako sa pagmumukmok nang marinig kong sabihin niya ang salitang 'afterparty.'

"Sige. Payag na akong hindi ka kasama sa Heritage Party. Pero sasamahan mo na ako sa afterparty."

His Girl FridayWhere stories live. Discover now