Prologue

655 9 13
                                    

(A/N: Ang kwentong to ay puro tulog lang since antukin ang bida char XD)

I came here to reach my dream,

Yun lang ang tanging dahilan,

Yun lang ang nasa isip kong dahilan,

Wala ako dito para manira ng kung ano man. Career, relationship, life or whatever,

Tanging ang pangarap ko lang ang nagtulak saking iwan ang sariling bansa para makipagsapalaran dito.

Pero hindi ko alam na magiging mahirap pala para sakin ang daang tinahak ko,

Hindi ko alam na kasabay sa pag abot ko ng pangarap ko ay ang pag-gulo ng buhay ko,

Pagtupad lang sa pangarap ko ang ipinunta ko dito ngunit parang iba ang napala ko.

Akala ko puro pasarap lang dahil puro sayaw lang ang nasa isip kong dapat kong gawin,

Pero nagkamali ako,

Darating pala ang panahong hindi ko aakalaing mabibitawan ko ang pangarap ko ng dahil lang sa..

Nagmahal ako..

Ng taong kumplikadong mahalin.

Gelah's POV (dye-la)

"Don't call us, we'll call you!", tinanguan ko nalang sila saka ako nagpasalamat at lumabas na ng silid na yon.

'AAAAAARGHHHHH! BAKIT BA LAGI NALANG AKONG HINDI MAKAPASOK SA MGA LINTEK NA AUDITION NA YAN! AM I NOT QUALIFIED?!' sigaw ko sa isip ko.

Di ba ko masyadong maganda sa paningin nila? Siguro di nga ako ganong kagandahan but cute ako, I'm skinny too, nasa 25 lang ang waistline ko, bagay na bagay naman sakin ang mahabang buhok ko, I even dyed my hair brown para mas mukha akong gumanda sa paningin nila, hindi katangusan ang ilong ko pero hindi naman masagwa sa mukha ko, yung mata kong medyo singkit at ang chubby cheeks kong nagsisilbing asset ko ay hindi man lang nila napansin. In short hindi tumalab ang charm ko sakanila.

Minsan din sa height ako bumabagsak, nagsuot ako ng mataas na heels para magmukhang matangkad pero wala pa rin, I'm only 5'2, at sinabi nilang 5'4 ang hanap nila . Tch hindi makatarungan.

"Oh bakit nakabusangot ka nanaman? Di ka nanaman nakuha?", sinalubong agad ako ng very supportive friend kong si Rio, siya yung laging sumasama sakin sa tuwing mag o-audition ako,

"Obviously! Overqualified daw kasi ako", inis na sabi ko, alam niya na ang ibig kong sabihin. Para kalamayin ang loob ko ay ganon nalang ang sinasabi ko ang 'overqualified' ako, para medyo mabawasan ang sama ng loob ko.

"Hayaan mo na, madami pang next time", sabi nalang niya saka na kami naglakad palabas ng EY Building,

"Nakakasawa na rin", nakangusong sabi ko.

I'm 23 years old na, ano pang mapapala ko? Pakiramdam ko patanda na ko ng patanda at hindi ko na matutupad pa yung pangarap ko.

Gusto ko lang naman maging dancer eh, gusto ko lang naman magperform sa harap ng maraming taong isinisigaw ang pangalan ko, pinapalakpakan at pinupuri ng mga humahanga sakin. Kaso ni hindi ako makapasok sa mga audi audition na yan bwiset!

"Why don't you try it to the other country? Sa korea? Japan? Or US?-ARAY NAMAN BAKS!", di niya natapos ang sasabihin niya nung batukan ko siya,

"Baks, sa Pilipinas nga hindi ako matanggap tanggap tingin mo sa ibang bansa pa kaya? Tch", inis na sabi ko sakanya, naupo muna kami sa waiting shed habang nag hihintay ng masasakyan.

"Gaga iba naman kase dito sa Pilipinas, kadalasan ay may mga backer or scripted na ang audition! You have potential baks, madaming oportunidad sa ibang bansa", sabi niya habang binubuksan yung bottled water na hawak niya,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now