PERSLABSTORI 78

181 8 1
                                    

"Oh hi Jin", nadako ang tingin ko sa gwapong lalaking nakasandal sa pader nung magsalita si Xhia,

"Nauna na sa loob yung members". Bungad naman niya samin at umalis sa pagkakasandal para lapitan kami at batiin.

"Kakarating niyo lang din ba?", tanong ko sakanya at tumango naman siya.

"Yes, pinauna ko na silang pumasok. Sinabi kong hihintayin ko na kayo since sabi ni Xhia ay malapit na rin naman kayo". Sagot nito saka matamis na ngumiti kay Xhia.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa, may hindi ba ko alam? Pero napailing nalang ako dahil alam ko namang in good terms pa rin si Jin at Debi.

"Tara na sa loob". Aya ko na sakanila.

Second day na ng wake ni Hwana, exclusive for her family and her relatives ang unang araw ng burol niya kaya naman ngayon kami nagpunta.

Pagpasok namin ay kaunti lang ang tao kaya nakita namin agad ang members and I started counting them, kaya kahit hindi pa kami nakakalapit sakanila ay alam kong kulang..

"Where is Yoongi?", tanong ni Xhia at nagkibit balikat lang ang members, ako naman ay napakagat labi nalang at umiwas ng tingin.

Masyado talagang matigas yung puso nung bansot na yon!

"Nagkausap na kayo Gela?", tanong ni Hobi at tumango naman ako,

"Yea and I expected na madadatnan ko siya dito with you guys pero wala pala talaga kong aasahan sa bansot na yon. Psh nagpromise pa naman ako sa mommy ni Hwana na papapuntahin ko siya dito pero wala, talagang matigas yung puso ng kaibigan niyo--", natigil ang pagsasalita ko nung mapansin kong nanlalaki ang mata ng members habang nakatingin sa likuran ko,

What's wrong??

"Hyung is here". Usal ni Jimin dahilan para mapalingon ako sa likod ko,

O-Oo nga nandito siya, a-at para siyang estatwa habang yakap yakap siya nung mommy ni Hwana, tutok kaming lahat sakanila lalo na nung ibalik ni Yoongi ang yakap kay tita.

"Aww", rinig kong usal ng members.

"Mukhang effective naman pala pagkausap mo sis eh". Dinunggol ako sa braso ni Xhia. Pinipigilan ko ang ngumiti dahil baka ano ang isipin nila kaya nagpokerface nalang ako.

Papalapit sila sa side namin, nakahawak si tita sa braso ni Yoongi.

Napaiwas ako ng tingin nung makita ko ang pagtitig ni Yoongi sakin habang papalapit sila.

"Gela iha! Thankyou so much!", nagulat ako sa biglang pagyakap ni tita,

Bakit niya ko pinasasalamatan?

"Maiwan ko muna kayo dito ha, maghahanda lang ako ng mga pagjain para sainyo at sa ibang bisita", paalam nito samin at nagpresinta naman si Xhia, Jin, Jimin at JK na tumulong sakanya.

Umupo ako sa tabi ni Hobi at tumabi naman sakin si Yoongi.

Panay ang kwentuhan ng members samantalang kami ay tahimik lang at nakikiparamdaman.

"Buti naman pumunta ka?", panimula ko, tho medyo mahina lang yun para kami lang ang makarinig,

Ngumiti siya sakin ng pagkatamis tamis saka nilapit yung mukha niya sakin,

"Ofcourse, this is what you want right? Ayan pinagbigyan kita so you have to do something in return". Tinaasan ko siya ng kilay at itinulak ng bahagya pero di siya nagpatinag,

"Aba't akala ko naman kusa mong ginawa yon! Gusto mo pala ng kapalit!", mahina pa rin ang pagkakasabi ko nun, mahina ring pagtawa ang ginawad niya sakin.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat