PERSLABSTORI 48

177 11 6
                                    

"Alam ba ni Jin?", kanina ko pa siya inuusisa pero panay pagbuntong hininga ang sinasagot niya sakin,

Puro siya 'I don't know what to do', naisip ko naman bakit parang siya lang ang namomroblema eh dapat silang dalawa ni Jin ang nag iisip ng solusyon.

"N-Nope, we've talked about it without Jin's consent, ayaw niya ring ipaalam ko kay Jin that we've been caught, just leave it to him daw. And isa pa galit siya at alam ko daw ang mahigpit na policy ng agency kaya maghanda daw ako sa mga consequences. Ipapatawag niya daw ako ulit, mag isip isip daw muna ako". Tuloy tuloy na saad nito.

Nung mabanggit niya ang about sa policy ng agency ay nabuhay rin ang kaba sa dibdib ko.

Natatakot din ako para samin ni Yoongi.

Pero maingat naman kami, at wala rin namang nakakaalam ng tungkol samin kundi si Xhia.

Alam ko ring hindi ako papabayaan ni Yoongi pag dumating ang araw na maexpose kami.

Pero di ko maintindihan kung bakit ayaw ipasabi ni Pdnim kay Jin ang tungkol dito, dapat ay siya ang kaagapay ni Xhia sa gantong sitwasyon.

"G-Gela natatakot ako", hinawakan ang kamay niya para maramdaman niyang nakasuporta ako sakanya.

"Everything's going into places. Trust Jin". Nakangiting sabi ko at tumango tango naman siya saka yumakap ng mahigpit sakin na sinuklian ko naman.

Di hamak na mas malakas ang loob ni Xhia sakin, kaya di ko maisip kung paano pag dumating yung araw na ako na ang nasa sitwasyong to? Kung siya ay kinatatakutan ito, paano pa kaya ako?

--

Maaga akong nagising, kumuha ako ng bottled water sa maliit na fridge dito sa kwarto at tinungga iyun ng derecho.

Mahimbing pa ang tulog ni Xhia, kahit sa pagtulog ay tila dala niya ang pangangamba dahil kunot ang noo niya.

Dumirecho ako sa banyo and do my thing, mag hilamos, mag toothbrush at magsuklay.

Pagbaba ko ng living room ay tahimik pa don, kaya nakakasiguro akong tulog pa sila Yna, well ang aga pa naman kase. Mag aalasais palang.

After kong mag stretching ay dumirecho ako sa kusina para magprepare ng hot choco and chicken sandwich.

Kinuha ko ang phone ko sa kwarto saka ako bumalik ng living room, inabala ko ang sarili ko sa oagsurf ng internet.

Napalunok ako nung makakita ng article sa from korean community.

And it's a lil scoop from Dispatch.

Pagkakita ko palang sa hubog ng shaded na katawan ng lalaki ay alam ko ng si Jin yun,

*One of the members of the most popular boygroup is dating the one of their back up dancers..to be revealed soon!*

Naging matunog ang paglunok ko, di ko alam ang mararamdaman ko..

Natatakot ako para sakanilang dalawa ni Xhia.

Dispatch is known to ruined idol's career kaya talagang kakabahan ka pag ikaw ang naging target nila.

Ilang beses kong pinaalalahan si Xhia na mag ingat para di dumating sa puntong ganto pero anong nangyari?

Maraming reacts and comments under that article pero di ko na ginawang basahin pa.

Pabalik na sana ako ng kwarto nung bumukas ang pinto ng dorm at pumasok si Hwana,

Ang aga pa, saan siya nanggaling?

Nagtago ako sa may gilid ng hagdan nung maulinigan kong may kausap siya sa phone.

Tumatawa pa siya, tawa na paninindigan ka ng balahibo dahil animo tawa iyun ng kontrabidang may binabalak na masama sa bida.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon