PERSLABSTORI 64

176 6 0
                                    

"What the!!", namimilog ang mata kong napako ang tingin sa screen ng phone ko,

@EXPOSED_official
"Modern Philantropist? What else they can't do? They are not just a pretty face and the world's sexiest women. Indeed, not all heroes wear capes because sometimes it's SISZUMS"

Ang EXPOSED ay ang naglalabas ng mga information ng idol na may charities. Kadalasan sa idol na ibinubunyag nilang tumutulong sa kapwa ay nakakatanggap ng praises, pero sa tingin ko ay kabaligtaran nun ang iisipin ng mga haters namin,

Baka sabihin nilang kami lang ang nagpalabas nun para mapromote namin ang album namin na irerelease sa makalawa.

Pero sigurado namang pag naglabas ang EXPOSED ay totoo kaya hindi namin mapapalabas na kalokohan lang yun para di maexpose ang pagtulong namin--

"F*CK!", Bumukas ang pinto at eto nanaman ang eksena ng ate niyo Xhia,

"SA DAMI NG ARTICLE NA IBINATO SATIN PAGKABALIK NATIN FROM KOREA DITO LANG AKO HINDI NATUWA!!",  Pasalpak niyang inupo ang sarili da kama,

Maganda sana yung caption ng article pero kasi hindi ko maintindihan kung bakit pati ang pagtulong namin sa nangangailan ay kailangan pang ibroadcast.

Paano nila nakuha ang scoop na yon?

Yes, we have charities and scholars but we're keeping that as a secret, we want it to be private. Tumutulong kami ng bukal sa loob and we don't want to brag about it!

Bakit ba ayaw nila kaming hayaan?
Bakit lagi nila kaming pinapakialaman!

"Myghad Xhia! Hindi ko na yata matatagalan tong buhay bilang idol! Alam mong ayokong pinapakialaman yun mga importanteng bagay na ginagawa ko, natin, especially if it is non of their f*cking business! Hinayaan ko sila sa mga dating controversies na binabato nila sakin, but this time...this is too much!!", napapahilamos sa mukha kong sabi.

"And we are dominating again the twitter world, we are trending worldwide. Di na talaga nila tayo tinantanan. Mabuti pa sabihin natin kay Cliff na wag maglabas ng statement or wag ng pansinin yung nilabas ng Exposed para di na lumaki. And let's just focus on our new album." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

Totoo ngang pagkabalik namin galing sa Korea ay samu't saring issues na nadawit ang pangalan namin, nung una ay yung tungkol sa dating rumor namin with Jim and Clyde.

May kumalat na picture namin sa isang mall na may kaharap kaming fan nagkataong sa kuha ng litrato ay kitang nakapamewang si Xhia at nakasimangot habang nakatingin dito kaya naissue na may attitude problem daw kami, nakakatawang isiping kaclose ni Xhia yung fan na yun at nag aasaran sila. Well, ano pa bang aasahan namin? Picture lang nakita nila pero kung anu-ano nanaman ang inisip nila.

May kumalat ring regarding sa pagbasag sakin na Nation's Playgirl nung may nakakuha ng picture samin ni Bryle na hinalikan niya ako sa noo, hindi naglabas ng statement ang agency namin tungkol dun dahil si Bryle mismo ang luminaw nun, na hanggang ngayon ay nililigawan niya pa rin ako at hindi ko pa siya sinasagot.

And now..This!

Masyado kaming busy this past few days para sa paghahanda sa new album namin. Pero talagang ayaw nila kaming tigilan,

Hindi ko sila masisisi kung iisipin nilang ginagamit namin yun para ipromote ang album namin hays. Kung alam lang nilang hindi kami natutuwang ibroadcast yon!

"I'll call Cliff, baka may alam siya tungkol sa paglabas ng tungkol dito". Pagkasabi nun ni Xhia ay lumabas na siya ng kwarto.

--

"Sino sainyo ang nagdeactivate ng Siszums account??", nanggagalaiting tanong ni Cliff na biglang pumasok sa studio habang nagpapractice kami,

"W-What are you talking?..Angelique??", napapaamang na tumingin sakin si Xhia at bumuntong hininga nalang ako,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now