PERSLABSTORI 81

203 7 1
                                    

*kringggggg kringgggggg*

*kringgggggg--*

"ARGHHHHH!"

Inis kong pinatay yung cellphone ko.

"Sino ba yung tumatawag?", nagtatakang tanong ni Xhia,

"Si Yoongi kanina pa tawag ng tawag ang kulit. Di ba niya alam na mahal ang tawag from overseas? Ghad!!", iritadong sagot ko sabay kagat sa chicken wings na hawak ko,

"Eh bakit naman kase ayaw mong sagutin para matigil? Umamin ka nga sakin! May nangyari ba sainyo sa Boracay?", tanong niya na ikinalaki ng mata ko,

"A-Anong nangyari? W-Wala ah!", ilag na sagot ko saka ko iniwas ang tingin sakanya,

"Ang tinutukoy ko ay kung nag away ba kayo kaya mo siya iniiwasan! Ano bang nasa isip mo?", nakangising tanong nito na parang pinag aaralan yung galaw ko,

"W-Wala! ANO BA? Basta ayoko siyang kausap!", sagot ko, sakto namang may nagdoorbell for sure ayun na yung pizza delivery,

"May expected visitor kaba?", tanong ni Xhia at ngumiti naman ako na nanliliit yung mata,

"Wait a minute!", parang batang sabi ko saka ako nagtatakbo sa may pintuan,

"Thankyou so much", pasalamat ko dun sa delivery boy saka ako nagmadaling bumalik sa dining area at ibaba dun yung 2 large boxes of pizza,

"LAH?! BIBITAYIN KA NA BA?", Gulat na tanong ni Xhia at natawa naman ako,

"Ano ka ba! Kulang pa nga to", tatawa tawang sabi ko at parang di naman siya makapaniwalang iiling iling habang nakatingin sakin,

"Simula ng bumalik ka from Boracay wala ka ng ginawa kundi kumain, parang tumataba ka na nga--joke lang", sinamaan ko siya ng tingin kaya tinigil niya yung sasabihin niya.

"Hoy ikaw, baka nakakalimutan mong may kailangan kang ikwento sakin", bigla naman siya napaiwas ng tingin nung sabihin ko yun,

"W-What?", maang maangang tugon niya.

"Yung kumakalat na picture niyo ni Jin na magkayakap, what's the meaning of that? Diba yun yung nag walk out ka tapos sinundan ka niya? Ano okay na kayo?", sunod sunod na tanong ko at napabuntong hininga naman siya,

"No! Wag muna nating pag usapan yon". Mataman niya akong nginitian saka nagpaalam na papasok na sa kwarto.

*burrppp*

Napasandal ako sa upuan ko matapos kong maubos yung almost 5 slices ng pizza.

Magtutwo weeks na simula nung makabalik ako sa US galing Boracay, pilit ko ring iniiwasan si Yoongi kaya hindi ko sinasagot yung walang patid na pagtawag niya, hindi ko alam kung bakit pero parang di ko pa siya kayang harapin.

Hindi na ulit kami nagkausap simula nun dahil nga hindi ko sinasagot yung tawag niya, he even contacted Xhia's number but I told her to declined it. Busy rin sila ngayon dahil sa comeback album nila kaya pati ang members ay hindi ko nakakausap.

Bigla nalang akong nakaramdam ng pagbaliktad ng sikmura kaya agad akong nagtatakbo sa sink para sumuka,

Naparami yata yung kain ko.

Kumuha ako ng malamig na tubig at ininom yun saka ako nakaramdam ng antok kaya nagpasyang pumasok na sa kwarto at matulog.

--

Nagising ako sa paulit ulit na pag ring ng doorbell.

Nag aatubili pa akong buksan iyon pero isa lang naman ang kilala kong walang tigil sa pagpindot ng doorbell hangga't hindi pinagbubuksan,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now