PERSLABSTORI 1

244 7 16
                                    

"Baks! Goodluck! Mamimiss kitaaaaaaa!", nangingilid ang luhang sabi ni Rio habang papalapit sakin,

Niyakap ko siya ng mahigpit at maging ang luha ko ay nag umpisa na ring magtuluan.

"Boo, let's go", nagbitaw kami sa pagkakayakap ni Rio nang magsalita si Z,

"I will miss you too! Just keep in touch okay?", nakangiting sabi ko saka ko pinunasan ang luha sa pisngi niya,

Matapos ang pagpapaalaman ay tumungo na kmi ni Z sa departure area,

Nagprisinta si Zian na ihatid ako sa Korea at manatili dun ng mga tatlong araw, nag leave siya sa work niya para lang maihatid ako.

Almost 5 mos kong inayos ang mga papeles at iba pang dapat ayusin and I even enrolled to a Korean class nung mapagpasyahan kong tumuloy nga sa Korea, ayaw pa sana akong payagan ni daddy pero wala rin siyang nagawa dahil buo na ang desisyon ko.

'I will take the risk'

Kung matatanggap ba ko or hindi ay talagang buo ang loob kong umalis ng bansa, it's now or never. Naisip ko ding kung hindi ako matatanggap sa mga pag o-auditionan ko ay maghahanap nalang ako ng maayos na trabahong may kinalaman sa kursong tinapos ko.

Alas singko na ng hapon ng lumapag ang eroplanong sinasakyan namin sa incheon international airport.

"Bakit ang daming tao?", tanong ni Zian, hawak niya ang kamay ko at hila hila naman niya ang maleta ko na nakapatong din ang baggage niya.

Luminga linga ako para tingnan kung bakit nga ba ang daming tao dito sa airport,

"Kyaaaaaaaaaaaaaah!"

"BTS! BTS! BTS!"

"JHOPEEEEEEEEEEEEEEEE!"

"May artista yata boo", sagot ko sakanya,

"Ah I see", tatango tangong sabi niya.

May pumigil saming mapagtuloy sa paglakad dahil sa dadaan na yung grupong tinitilian ng mga fans dito sa airport,

Napaatras pa ko nung may humawi sakin kaya inalalayan ako ni Zian,

Malapit kami sa kanila kaya kitang kita ko ang mga mukha nila,

'Ang puputi at ang kikinis naman ng mga to, nakakainsecure'

Isa isa ko silang sinusundan ng tingin habang dumadaan sa harapan namin,

Napaamang pa ko nung biglang mapatingin sakin yung isang member, di ko alam kung sakin nga ba, inalis niya rin naman agad ang tingin niya sakin,

Di ko gusto yung tingin niya dahil parang ang talim, at parang tumatagos sa pagkatao ko, di ko rin masyadong nakita ang mukha niya dahil naka mask siya at baseball cap, tanging mata niya lang ang kita ko,

Tch isa lang ang masasabi ko,

'Mukhang suplado' psh bansot naman!

"Tara na nga boo! Mas gwapo ka pa sa mga yun eh! SAKA MAS MATANGKAD!", nilakasan ko talaga yung last word di ko alam kung nakuha ko ba yung atensyon niya dahil dun, pero sana oo dahil nakakaimbyerna siya kung tumingin,

Hindi naman sa pinaparinggan ko siya pero parang ganon na nga,

"Naughty! Boo as if naman maiintindihan nun yung pagpaparinig mo", napahinto ako sa paglalakad at nilingon si Zian,

Oo nga pala nasa Korea kami, pero-

"Alam mong nagpaparinig ako boo?", takang tanong ko sakanya,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon