PERSLABSTORI 32

182 10 28
                                    

Mabilis na lumipas ang maghapon namin sa beach at ngayon ay naisipan na naming bumalik sa hotel.

--
Time check, 7PM.

Naghahanda kami ngayon para sa gagawin naming bonfire maya maya lang.

"Hindi pa rin ba kayo ayos ni Jin?", tanong ko kay Xhia na abala sa pagtusok ng hotdog sa barbecue stick,

"Huh? Bakit mo naman natanong?", tanong niya na hindi man lang inaalis ang tingin sa ginagawa niya,

"Nakakapagtaka lang kase, kanina nung nasa beach tayo mukhang okay na kayo tapos biglang di mo nanaman siya pinansin. Ang weird lang din parang kahapon lang siya yung di namamansin tapos ngayon ikaw naman, para kayong mga tanga no?", may oras talaga na walang preno ang bibig ko, siguro ay dahil medyo nakainom na rin ako,

"Eh kasi naiinis pa rin ako sakanya eh sinabihan niya kong ang iresponsable ko when in fact para sakanya kaya--teka nga! Ikaw ah sinisermonan mo ba ko?", biglang sabi niya na nilingon na ako at tinaasan pa ng kilay,

"Hindi naman sa ganon, naguguluhan lang ako sainyo", sabi ko at nag aalangang ngumiti sakanya,

"Ako naman napapaisip..". Sambit niya dahilan para mapatitig ako sakanya,

"Tungkol saan?", nagtatakang tanong ko,

"K-Kung masarap bang humalik si Hobi hahahahaha.. saka bakit parang hindi ka man lang nagulat or nagreact nung halikan ka niya, sanay ka na ba? Ilang beses niyo na bang ginawa yonmfmdhsxz", tinakpan ko yung bibig niya dahil baka may makarinig sa kung anumang pinagsasasabi niya,

"Ewan ko sayo Xhia kung ano ano naiisip mo dyan tch!", inis na sabi ko at lumabas na,

Nakita ko ang bangtan na abala sa pag aayos ng kung anumang gagamitin para sa bonfire,

"Di ka ba giniginaw?", tanong ko kay Jena nakasuot siya ng panjama pero ang pang itaas niya ay tanging bikini lang,

Teh ang lamig kaya, ako nga nakahoody eh, tch well she is Jena.

--

Nakapalibot na kami ngayon sa bonfire at may mga beer in can sa harap,

Panay ang kwentuhan nila at nakikinig lang ako dahil parang wala ako sa mood,

*kriiiiiing kriiiiiiing*

Napunta sakin ang atensyon ng lahat dahil biglang tumunog ang phone ko.

Tumatawag si Rio..

"Excuse me guys, just take this call". Sumenyas ako sakanila at nagtanguan naman sila.

Pumasok ako sa loob para dun sagutin ang tawag.

"Hello baksss!", humahangos ang boses niya kaya may kung anong kaba ang bumangon sa dibdib ko,

"Oh bakit ka napatawag Rio? Ano yon?", pilit kong kinalma ang boses ko para hindi halatang kinakabahan ako,

"Si Zian baks..", rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya sa kabilang linya,

Anong nangyari kay Zian?

"Ano??", inis na tanong ko dahil sa gantong sitwasyon ay ayokong binibitin ako ng taong kausap ko,

"Until now he's unconscious, sinabi lang sakin ni kuya na kinausap na daw ng doctor ang parents ni Zian na pag nakalipas daw ang 48 hours na hindi pa rin siya nagigising ay brain dead na daw ito at wala ng pag-asa pa!", Garalgal ang boses ni Rio habang sinasabi niya ang mga ito,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now