PERSLABSTORI 45

199 10 0
                                    

"Hwana padaanin mo ko! Wala akong alam sa sinasabi mo" pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit gustong gusto ko na talaga siyang bigwasan.

Bigla niya akong hinarang habang naglalakad sa hallway ng hotel dito sa Hongkong, we're here not to perform but to watch Bangtan's concert tonight, this is their last stop so we need to show our support.

Sumunod lang kami rito, ang BTS members ay kahapon pa narito, at kasabay na rin nila si Xhia,

"No! Answer me! May relasyon kayo ni Yoongi right?!", pagpipilit nito, kahit ilang beses kong sabihin sakanyang wala akong alam sa sinasabi niya ay ayaw niya pa rin akong tigilan.

Saan niya ba hinuhugot yung mga pinagsasasabi niya?

"Sinabi ng wala! Hwana habang nakakapagtimpi pa ko sa inaarte mo pakiusap lang, tumigil ka na!", malumanay pa rin ang tono ko, ayokong ipahalata sakanyang napipikon na ko sa panghaharang na ginagawa niya.

"Kung wala bakit ka niya niyakap kahapon? Kitang kita ko yun, he even kissed your forehead. Kung wala, bakit kailangan niyang gawin yun? The way he treats you, it's way difference on how he's treating us! And the way he looks at you, ibang iba! Saka napapansin ko ring panay ang pagdikit mo sakanya this days. Kaya wag mo sabihin saking wala! Dahil malakas ang kutob kong meron!", mariing saad niya at napaatras pa ko dahil sa paglapit niya sakin,

"A-Ano bang problema mo? Why are you acting like that? Oops I forgot, may gusto ka nga pala sakanya. Close ba kayo ni Shina? Bakit parang nagkakamukha na yung ugali niyo? You're acting like that because of a guy? Seriously Hwana? Tch..Sinabi ko na sayong wala kaya kung ayaw mo pa ring maniwala sakin, go on! Paniwalaan mo kung ano yung nakikita mo! Wala naman akong problema dun. Pathetic!--", she was about to slap me when someone grab her arm to stop her,

And it's Yoongi,

Ang alam ko may rehearsal sila ah?

Matalim ang tingin niya kay Hwana at ramdam ko ang higpit ng magpapakahawak niya sa braso nito,

Please wag kang aamin! Kahit anong mangyari hindi ako aamin, and I hope you too.

"What the hell is going on here?", masungit na sabi niya, lumingon siya sakin pero mas pinili kong yumuko kaysa salubungin ang tingin niya.

"Y-You're hurting me, Yoongi". Nauutal na usal ni Hwana, napatingin ako sakanya at napansin ko ang paulit ulit nitong paglunok na parang natatakot kay Yoongi,

"Hindi ako pumapatol sa babae dahil alam kong hindi yun gawain ng matinong lalaki, so don't provoke me Hwana!", tiim bagang na sabi ni Yoongi at padarag na binitawan ang braso nito.

Nakakatakot yung Yoongi na kaharap namin ngayon, parang umaapoy ang mata niya.

"Aaaargh! Provoke you? I-I don't get it, y-you mean if I hurt Gela you're hurting me too? Why is that? So you've just proved me na may relasyon nga kayo..na ayaw aminin ng babaeng to! Ha!", parang hindi makapaniwalang sabi ni Hwan, nanginginig siya habang sinasabi yun at nakita ko rin ang pangingilid ng luha niya,

"Yun ba dating sayo? If that so then baka nga ganon!", anudaw? Parang iniiwan niya ng palaisipan ang bawat sinasabi niya.

Natameme si Hwana at kitang kita ko ang dahan dahang pagtulo ng luha nito,

"H-Hajima!", yun lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

SABI NG WAG AAMIN!

Yoongi gently hold my wrist and pulled me closer to him, ilang segundo kaming nakatingin kay Hwana nung hilahin niya na ko para lagpasan to,

Pero nakakailang hakbang palang kami ay nagsalitang muli si Hwana,

"Y-You know that I like you right?", napalingon kami sakanya, pinunasan niya ang luha niya at parang napalitan ng galit ang kung anumang nababasa ko sa mata niya kanina,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now