PERSLABSTORI 51

207 8 26
                                    

"Faster Gela! Pinapagalitan na yung mga staff natin nauna dun kase wala pa daw tayo!", pagmamadali sakin ni Xhia,

"Eto na! Eto na! Tch", sinuot ko ang coat ko saka ako nagmadaling lumabas,

Agad kaming sinalubong ng tatlong bodyguards at inalalayan papasok sa service car.

"Sino nanaman nagbigay nung malaking teddy bear sayo at itinambak mo nanaman sa living room? Myghad Gela ang laki niyang harang dun! Iniupo mo pa talaga sa sofa!", pag uusisa niya kaya tinanggal ko ang pagkakasuot ng earphone ko,

"Si Raf yata, or si Bryle, or si Bobby oh no no, si Jim yata ay ewan di ko na matandaan". Nalilitong sagot ko sakanya at mas mataas pa yata sa height ko ang kilay niya,

"Naku ikaw Gela ah kaya ka naiissue dyan panay ang pag eentertain mo sa mga yon!", sermon nito and I just rolled my eyes.

"Duh! Pang eentertain na ba yun Xhia? Tinatanggap ko lang naman yung gift nila, mga wala lang talaga magawa sa buhay yung mga nagpapakalat ng issue tungkol sakin!", Mataray na sabi ko sakanya, ibabalik ko na sana yung pagkakasuot ng earphone ko nung agawin niya yon,

"Haba kase ng buhok mo noh? Kung sino sino tuloy nalilink sayo!--" pinutol ko ang sinasabi niya,

"Wow bantay sarado kasi si Clyde sayo kaya walang ibang makaporma, pag nilubayan ka niyang si Clyde paniguradong parehas tayo ng issue na kakaharapin", pagkasabi ko nun ay tumawa kami pareho.

*ringggg ringgggg*

"It's Chan", usal ni Xhia at hinarap sakin ang screen ng phone niya,

"Grabe mukhang excited na excited sila eh alas otso pa naman yung event, myghad alas singko palang for my ass sake!", sabi ko at binigyan niya ko ng 'wala tayong magagawa' look,

"H-Hello Chan, oh?..Yes malapit na kami..15 minutes I think..Yah don't worry...okay okay bye." Pagkababa niya ng phone ay hindi na muli kami nag usap,

Isinalpak ko na ulit ang earphone ko, pinapaulit ulit kong iplay yung song na ipeperform namin mamaya para maperfect ko.

Paniguradong papatayin nanaman kami kakapractice ni Cliff pag nagkamali kami.

"Glad you're finally here! C'mon kanina pa umuusok ilong ni Cliff!", aya samin ni Ces, may kausap siya sa phone niya pero nung makita niyang dumating na ang service car namin ay agad siyang lumapit,

Sa may private parking kami kaya okay lang kahit di kami magcover ng face, wala namang makakakilala samin dito, and nandito rin ang vip entrance at mga artists lang ang allowed dito.

"Yan namang pinsan mo napakamainipin eh", iiling iling na sabi ni Xhia saka bumeso sakanya, at pati na rin ako.

"Let's go baka pati tenga nun umusok na", tatawa tawang sabi ko at nagpauna ng maglakad,

We greet every artists na madadaanan namin sa hallway habang papunta kami sa waiting room that is assigned for us.

"Hellooooo", bungad ni Xhia pagkabukas ng pinto,

"My goodness Angelique and Trixie! Kayo talagang dalawa kayo hindi na kayo nagtanda, lagi niyo akong pinag aalala! Tsk oh maupo na kayo para maayusan na kayo!", nakapameywang na salubong samin ni Cliff,

Maybe you're wondering why he called us in a different names,

That's our stage name, Angelique and Trixie, naiba man ang pangalan namin we are still the lovely girls Gela and Xhia you've known three years ago, stronger version lang I think.

Pag kami lang ni Xhia ang nag uusap ay sa real names kami nagtatawagan, pero pag kaharap namin sila Cliff ay sa stage name dapat kung ayaw naming umusok ang ilong ni Cliff.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon