PERSLABSTORI 42

184 10 50
                                    

"Bouquet of flowers for Ms. Gela!", si Yna ang nagbukas ng pintuan ng Hotel nung may magdoorbell samantalang nakasilip lang kami nila Xhia,

Eh?

San galing yan?

"Wow yung admirer mo hanggang sa US sinusundan ka ah!", tatawa tawang tukso ni Xhia nung marinig ang sinabi nung lalaking parang staff lang din naman sa hotel na to.

"Gela oh!", abot sakin ni Yna nung bulaklak at halata mong kinikilig kilig pa,

Kanino galing to?

Sinipat ko yung bulaklak para malaman ko kung may card ba dun at syempre meron..

'To the most beautiful girl in my eyes

-A'

"Who's A?", tanong ni Jena na halata mong kinikilig din,

Ofcourse it's from Agust D,

Di ko napigilang kiligin at mapangiti, sakto naman nabaling ang tingin ko kay Hwana na taas ang kilay na nakatingin sakin pero di ko nalang siya pinansin.

"Uuuy bakit ka napapangiti dyan? Siguro kilala mo na kung sino nagpapadala nyan no?", panunukso ni Xhia na tinutusok tusok pa ang tagiliran ko,

Oo kilala ko pero sorry dahil di niyo pwedeng makilala.

Tumawa lang ako ng mahina sa sinabi niya at hindi na sumagot pa.

Mamayang gabi na ang concert nila dito sa US, kagabe lang kami dumating kaya kailangan namin ng pahinga para makondisyon ang katawan namin.

Mabuti nalang pala at napaaga ang dating ng period ko, tamang tamang natapos iyun agad kaya walang hassle at makakagalaw ako ng maayos.

..

"Gela, why do we go outside for a walk?", aya ni Xhia, siguro ay tulad ko nakakaramdam din siya ng pagkabagot,

Yung tatlo ay kanina pa lumabas para maglibot at kami naman ay ngayon lang iyun naisipan.

"Sige magbibihis lang ako". Ora mismong sagot ko sakanya at tumalikod na.

Nagsuot lang ako ng crop top floral off shoulder at white high waisted pants to be paired with white converse, pinusod ko lang din ang buhok ko into high ponytail and there you go. I'm ready!

Paglabas ko ay nakita kong okay na rin si Xhia, nakasuot lang siya ng tshirt na ibinuhol ang laylayan at ripped jeans.

"Let's go they're waiting on the lobby". Taka akong tumingin sakanya,

"Sino?", ngumiti siya sakin at kumapit sa braso ko,

"My hon, Jhope, Jimin and V", halata mo ang pagkaexcited sa mukha nito.

"Tch date niyo yata to eh sinama niyo pa kami". Iiling iling na sabi ko at tumawa naman siya.

"Loka hindi, actually mas nauna nga kitang ayain kaysa sakanila eh haha tara na wag ka ng ano dyan kasama naman si Hobi eh.". Pagkasabi niya nun ay hinila niya na ako palabas,

Sa lobby ay nakita nanamin yung apat, lahat sila ay naka baseball cap at face mask,

They're just wearing a simple shirt and a jogger pero naghuhumiyaw pa rin ang karisma nila.

"Let's go", aya ni Jin at inilahad ang kamay niya kay Xhia pero aabutin palang yon ni Xhia ay inunahan siya ni V,

"Oops bawal yan!", tatawa tawang sabi nito at iwinasiwas ang kamay nila ni Jin na magkahawak,

Nginusuan lang siya ni Xhia at halata namang nainis si Jin sa ginawa niya but end up laughing.

"Bahala nga kayo dyan! Let's go Gela", singit ni Hobi at hinila ako saka nagmadaling maglakad,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now