PERSLABSTORI 70

175 6 1
                                    

"KYAAAAAAAAAAAAAAH!", naitulak ko si Yoongi nung tumakbo palapit samin si Kayla,

Agad akong tumayo at binalot naman ni Yoongi ang kumot sa katawan niya dahil wala siyang suot na tshirt.

"I can't believe you're hereeee!", sumampa siya sa kama at nanlaki ang mata ko nung hawakan niya ang mukha ni Yoongi, si bansot naman ay halatang halata ang pagkailang,

"K-Kayla!", saway ko pero di niya ako pinansin, pinagmamasdan niya yung mukha ni Yoongi na parang kinakabisado ang bawat parte nito,

"Waaaaaaaaaah!", kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya nung bigla siyang yakapin ni Kayla, tumingin siya sa direksyon ko na parang nanghihingi ng tulong.

"Kayla! Wag mong lamutakin yan. May sakit yan!", lumapit ako sa kanila at inihiwalay ang kapatid ko sa pagkakayapos sakanya,

"Oh really?? Uminom ka na ba ng gamot? May gusto ka bang kainin? Aish ang init mo nga". Sabi nito na pilit idinidikit ang kamay sa noo at leeg ni Yoongi na panay naman ang pag iwas.

"Oo uminom na siya ng gamot! Tara lumabas na muna tayo para makapagpahinga siya.", sabi ko at hinila siya, nung una ay ayaw pa niya pero wala naman siyang magawa.

Pagkalabas namin ay agad kong isinarado ang pinto, nung bitawan ko si Kayla ay napansin ko ang pag nguso nito,

"Oh bakit??", taas kilay na tanong ko,

"I want to have more quality time with him, but you pulled me out". Pagmamaktol niya at napasapo naman ako sa noo ko.

"Waaaaw ikaw pa talaga ang nagtampo dyan ah, when in fact ako ang dapat magtampo kasi maa nauna mo pa siyang yakapin kaysa sakin!", ngumuso din ako at lumambot naman ang expression niya saka agad na lumapit sakin at yumakap.

"I-I'm sorry ate, I was just starstruck with Min Suga's presence. But I miss youuuu! And I'm happy to see you again after a long time". Ginulo ko ang buhok niya nung kumalas kami sa pagkakayakap,

"And I want you to greet you a belated Happy Birthday, and may gift nga pala ko sayo ate. I know na nasayo na ang lahat pero sana maappreciate mo pa rin yung gift ko for you". Nakangiting sabi niya at ginantihan ko rin ng ngiti yun,

"Anything from you babygirl", ikinawit niya ang braso niya sa braso ko saka ako hinila papasok sa kwarto niya,

Nilibot ko ang tingin sa kwarto niya at napailing pa ko nung makitang ang daming posters ng BTS dun at nakagitna sa posters nila yung malaking tarpaulin ng picture ko na entry sa Sexiest Woman,

May posters din kami ni Xhia dun na naoccupied ang kabilang dingding ng kwarto niya.

"Here ate", may inabot siyang kwadradong bagay na nababalutan ng makinang na wrapper,

"Can I open it?", tanong ko at ngingiti ngiti naman siyang tumango.

Napakunot ang noo ko nung tumambad sakin ang nakaframe na edited picture namin ni Jay,

"You don't like it?", nakangusong tanong niya kaya pinilit kong ngumiti sakanya,

"No, ofcourse I like it! Thanks for this Kayla". Iwinaksi ko ang pagtataka sa isip ko kung bakit ito ang regalo niya sakin at pinilit kong ipakita sakanyang masaya ako,

"I know na edited yung picture na yan but look it seems like it's real. I really like Jay oppa for you ate, I know na hindi ka niya sasaktan tulad ng pananakit ng ibang lalaki sayo. Kitang kita sa way ng pagtingin ni kuya Jay sayo na he's really inlove with you. Kaya maging si daddy ay gustong gusto siya for you. And I hope we can meet him. Para makilala namin siya hindi tulad nung last relationship mo na hindi man lang namin nakaharap yung lalaking yon, naku pag nakaharap ko siya hindi lang sampal ang ibibigay ko sakanya--KYAAAAAAH SUGAAAAAAA!", natigil ang pagsasalita niya at napalitan ng pagtili saka bumaling sa may pinto,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now