PERSLABSTORI 11

157 10 6
                                    

"Would you mind if I join you?"

Kahit hindi ko siya lingunin ay alam ko kung sino siya dahil kilala ko na ang boses niya,

"Where are you going?", sumabay siya sakin sa paglalakad at dinunggol pa ng mahina yung balikat ko para mapunta sakanya ang atensyon ko,

"Well honestly, I also don't know where to go! Just like what you did the last time, I just want to do a walkout scene too", sabi ko sakanya saka sabay kaming tumawa,

Hindi kami pwedeng dumaan sa exit ng arena dahil paniguradong dudumugin siya kaya sa may vip exit kami dumaan,

"I have my keys! Where do you want to go?", inangat niya pa yung susi niya at winagayway sakin,

It's already 6 o'clock, saan ba kami pwedeng pumunta neto?

"Hindi ko kabisado ang lugar dito eh", natatawang sagot ko,

"Okay I'll decide", sabi niya saka ako iginiya sa kotse niya.

Pareho lang kaming tahimik sa byahe, ang tanging maririnig mo lang ay ang tugtog sa player ng kotse niya at ang makina nito.

20 minutes lang ang ibinyahe namin at ngayon ay nasa harap na kami ng,

"What park is this?", tanong ko sakanya,

"Hyochang Park", nakangiting sagot niya na nakatitig din sa magandang mga ilaw sa labas,

Ang ganda ng lugar na to, mapuno at punong puno ng ilaw sa paligid na talagang ang sarap sa mata.

Parang nawala yung pagkastress ko sa mga nangyari, napawi bigla yung init ng ulo ko dahil sa ganda nito.

Bumaba si Jhope at saka lumipat sa pwesto ng passenger seat para pagbuksan at alalayan akong bumaba.

It's so refreshing!
Yung simoy ng hangin ang sarap sa pakiramdam.

Nagpalakadlakad kami dun at maya maya ay naupo sa isa sa mga bench dun,

Pareho pa rin kaming tahimik, walang gustong magsalita, parehas kaming nakatingin sa ganda ng paligid. Siguro ay halos 20 minutes na kaming nakaupo dito pero hindi pa rin kami nagkikibuan. Pero hindi naman yun nakaawkward sa atmosphere, hindi kami nakikiramdaman sa isa't isa dahil pareho talaga kaming amaze sa lugar.

Humangin ng malakas dahilan para mapayakap ako sa mga braso ko, biglang nanuot ang lamig sa katawan ko,

Kung ano ang suot ko sa performance namin kanina ay yun parin ang suot ko dahil hindi naman ako nagkaroon ng oras para magbihis,

Nagulat ako nung maramdaman kong ipatong niya sa balikat ko yung suit niya,

Lumingon ako sakanya, pati siya ay hindi pa rin nagpapalit ng damit,

Hindi siya nakatingin sakin, inaayos niya ang pagkakabutones ng polo niya,

"T-Thankyou", nahihiyang sabi ko,

"It's getting colder here and you're wearing such revealing outfit, I think we should go back there", sabi niya at naiilang na tinuro yung hita ko,

Tama siya, masyado na talagang malamig at konti nalang manginginig na ko dito,

"Agree", sabi ko na tumawa pa ng mahina saka tumayo,

Tumayo rin siya at nagsimula na kaming maglakad pabalik ng kotse niya,

"Do you feel better?", biglang tanong niya,

"Ahm yes thanks to your suit", nakangiting sagot ko pero nagtaka ako nung tumawa siya ng mahina.

"I'm talking about what you feel before we came here.", biglang seryosong tanong niya,

"Ah that! Yes thanks for bringing me here", seryosong sagot ko naman.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now