PERSLABSTORI 13

152 9 3
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na pagkakasara ng pintuan,

Naipikit ko ulit ang mata ko dahil nasilaw ako sa sikat ng araw na nakatutok sakin,

Aish anong oras na ba?

Nilingon ko ang kama ni Xhia pero wala na siya dun, anong oras kaya sila nakabalik ni Jin?

Bumangon ako at uminom ng tubig saka dumirecho ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush,

Nagbihis ako ng oversized shirt at cotton short saka ako humarap sa salamin,

My eyes was swollen!
Hindi ko alam kung anong oras ako natigil sa pag iyak at nakatulog.

Pinutol din agad ni Zian ang tawag kagabe without letting me explain, at hindi ko na siya ulit macontact pa pagkatapos nuon.

Gusto ko ring sugurin kagabi si Yoongi dahil kasalanan niya to, kung isinauli niya sakin agad yung singsing edi sana hindi masasaktan ng ganon yung taong mahal ko.

Kinuha ko ang phone ko para subukan nang tawagan ulit si Zian pero nadismaya lang ako nung hindi ito magring.

Kagabi niya pa pinatay yung phone niya at hanggang ngayon hindi niya pa binubuhay.

Tatawagan ko sana si Rio nung biglang bumukas ang pintuan ng kwarto,

Dahan dahan ang pagbukas nito kaya hindi ko alam kung sino ba ang nagbukas niyon, pero alam kong si Xhia lang naman ang papasok--

"W-What are you doing here??", nagtatakang tanong ko na nagsalubong pa ang kilay,

Si Yoongi!

Tuluyan siyang pumasok, nakahoody siyang black at naka jogger pants,

Dito ba sila natulog? May baon ba silang damit?

Teka nga bakit ba ang dami kong tanong!

Ano bang ginagawa nito dito? Makikipagtitigan?

"W-What are you--"

"I-I just want to say sorry", napayukong sabi niya, napansin kong namumula ang tenga niya at ganon din ang pisngi niya,

"For what? I mean sa dami ng atraso mo sakin, alin dun ang inihihingi mo ng sorry?", sarcastic na tanong ko,

Napatingin siya sakin na medyo tumaas pa ang gilid ng labi na parang kontra siya sa sinabi ko pero nabawi niya yon at biglang sumeryoso ang mukha niya,

"I heard what you and your fiancé talked about last night, so I'm sorry because I know it's my fault, it won't happen if I just given it back to you", dere derechong sabi niya at may dinudukot sa bulsa niya,

P-Pero narinig niya?

"Tss chismoso ka din pala!", nakangising sabi ko na nagpipigil ilabas ang pagkainis ko,

"N-No! I was about to give it to you last night but it happens that you're talking to him so I accidentally heard what you are talking about." Paliwanag niya,

Patuloy pa rin yung pagdukot niya sa bulsa niya na parang ayaw magpakuha ng bagay na yun dahil nahihirapan siyang dukutin ito,

"H-Here", akmang iaabot niya yun sakin pero biglang nahulog,

Pupulutin ko sana yun pero nauna siyang lumuhod para kunin yon at inabot agad sakin kahit hindi pa siya nakakatayo,

Hindi ko alam pero biglang nagtuluan yung luha ko pagkasuot muli sa singsing na yon,

Eto ang dahilan kung bakit galit sakin si Zian, sana ngayong hawak ko na ulit ito ay magkaayos na kami.

Tumayo siya at muling may dinukot sa kabilang bulsa niya,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now