PERSLABSTORI 79

192 6 0
                                    

"Thankyou so much for coming!!", sabay kaming yumuko ni Xhia habang hinihintay ang pagbaba ng flatform sa backstage.

Kakatapos lang ng encore stage namin, at sobrang nakakaoverwhelmed ang pagwelcome nila samin.

Anyways this is our 5th stop for our concert tour. Wala kaming pahinga pagbalik ng US dahil sunod sunod ang naging schedule namin.

At bukas lang ay may big event nanaman kaming pupuntahan, alam ko ring aattend dun ang bangtan. Kaya nasa US sila ngayon.

Sinalubong kami ng staffs at inalalayan papuntang waiting room. Kanya kanya ang pagpunas nila ng pawis samin at pagpapainom ng tubig.

"Oh what's with that face?", taas kilay na tanong ko kay Cliff dahil halos magdikit na ang kilay niya sa sobrang pagsalubong nito,

"Sit down please!", maotoridad na utos nito, nakaramdam naman yung ibang staffs kaya nagsipaglabasan sila,

"Hindi na kayo nawalan ng issue ladies". Usal naman ni Ces saka tumabi kay Cliff. Wala si Chan ngayon dahil may importante daw siyang meeting.

"What are you talking about?", nagtatakang tanong ni Xhia.

"Read this article!", pinasa samin ni Cliff yung ipad niya at sabay naman kaming tumingin ni Xhia dun.

WHAT THE ACTUAL F*CK?

*Siszums' Trixie and model Clyde rumored to be dating*

May picture dun na halatang kuha ng paparazzi, magkayakap si Xhia at Clyde, may ilang close up shots pa, nakahawak si Xhia sa mukha ni Clyde at meron ding pinupunasan niya yung luha nito.

"May hindi ba ako alam?", tanong ko sakanya.

"H-Huh? Don't tell me naniniwala nanaman kayo dyan?", naiiritang sabi niya,

"So what's the meaning of this? You know na hindi kami against sa pakikipagrelasyon niyo, but I told you na ipaalam niyo samin para maunahan natin ang mga paparazzi na ilabas yon dahil paniguradong pagpipyestahan yon pag paparazzi ang nagpalabas!", nanggagalaiting sabi ni Cliff,

"Anong ipapaalam ko sainyo eh wala naman kaming relasyon ni Clyde!", sagot ni Xhia sakanya.

"So what's the meaning of this?!", muling tanong ni Cliff na itinuturo yung mga nakuhang litrato nilang dalawa.

"The truth is..I told Clyde to stop courting me!". Mas nanlaki ang mata ni Cliff at ganon na rin si Ces. Ako naman ay hindi alam kung anong irereact ko.

"What?? AND WHY?!", Gulat na tanong ni Ces.

"Teka so kaya mukhang emotional si Clyde dyan ay dahil dun?", singit ko naman and she nodded.

"WHYY?!", Tanong ni Cliff na napapasabunot pa.

"BECAUSE I CAN'T LOVE HIM BACK! Pinilit ko pero hindi talaga kaya eh. Hindi ko siya kayang mahalin! I only love Kim Seokjin! And you guys know about that! That's why hindi ko kayo maintindihan kung bakit parang bago ng bago sainyo ang mga nangyayari! I'm tired, let's not talk about it tonight, I'm sorry I want to go home."..

--

"Please welcome, Siszums!", lumiwanag ang stage kaya tumambad kami sa audience.

Nandito kami ngayon sa big event na sinasabi ko, it's an award show. I'm glad this time hindi lang kami magpeperform kundi nominated din kami sa ibang category.

NP: I left my heart in Seoul.

Natapos ang aming performance with the loudest applause. Alam kong hindi kami kasing sikat ng artist na nandito pero sobrang overwhelming yung pagtanggap nila samin everytime na nagpeperform kami.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now