PERSLABSTORI 22

171 9 14
                                    

"Are you ready? Naghihintay na daw sila sa lobby ng hotel.", malumanay na sabi ni Xhia,

Ngayon na ang araw ng pagbalik namin sa Korea, may parang pumipigil saking umalis pero alam kong mas mabuti na yung lumayo ako dito.

Lumayo sa sakit.

"Yes, let's go", tipid na sabi ko,

Ibinaba ko ang sunnies na suot kong nagtatakip sa namamagang mata ko at inilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng condo for the last time saka ko hinila ang maleta ko at lumabas na.

Iiwanan ko na dito sa Pilipinas ang lahat ng nangyari dito sa maikling panahong pananatili namin dito.

Puro trabaho nalang ang iintindihin ko.

Tulad ng sabi ni Xhia ay naghihintay na nga samin ang members,

Binati nila kami at ganon din ang ginawa namin.

Napapansin kong titingin tingin sila sakin pero binalewala ko nalang.

Sa totoo ay nahihiya ako sakanila ng dahil sa nangyari samin ni Zian, nakakahiyang sa harap pa nila kami nag-away.

"Oh a couple shoes and a couple hoody, are you guys in a relationship?" Tatawa tawang sabi ni V habang nakatingin kay Jin and Xhia,

Oo nga no, pareho silang naka black converse at gray na hoody, ano to? Matchy matchy,

"It's not a couple stuffs taehyung so shut up!",naiilang na sabi ni Jin at maging si Xhia ay namumula sa hiya,

"How about RM hyung and Jena? Red converse huh! Nice taste!", tatawa tawa namang sabi ni Jimin kaya bumaling naman sa dalawa ang tingin namin,

"Wag nga kayong malisyoso!", saway ni RM sakanila,

"How are you?", naramdaman ko ang paglapit ni Hobi,

"I'm fine", pilit ang ngiting sagot ko,

"Don't hesistate to approach me if you need someone to talk to, okay?", ngumiti nalang ako sakanya at tumango.

Pagbalik sa Korea ay wala na akong balak pang pag usapan kung ano ang nangyari samin ni Zian, at alam kong alam nilang ilag na ako sa topic na yon so no one's trying to bring it up, siguro sasabihin nilang they are always there for me pero hindi nila pinakatinutumbok ang dahilan kung bakit nila sinasabi yon.

Maya maya ay nagsipagsakayan na sa kanya kanyang service car,

Talagang naghintayan pa kami eh magkaibang eroplano naman ang sasakyan namin.

Habang nasa daan ay tinawagan ko si Rio at sinabing pabalik na ako ng Korea, binilinan niya lang akong wag pababayaan ang sarili ko at mamimiss niya daw ako.

"Please I don't want to talk about that anymore", pinutol ko ang sasabihin niya nung babanggitin niya sana ang nangyari.

Nagpaalam na ko sakanya dahil malapit na kami sa airport.

As usual nagkakagulo ang fans dahil sa BTS, at nasa likod lang ulit nila kami.

--

Pagkarating sa dorm ay kanya kanyang pahinga kami.

Bumukas ang pinto at pumasok si Xhia na may binabasa sa phone niya,

"May meeting daw tayo bukas", sabi niya saka naupo sa kama niya,

"Tungkol saan daw?", walang ganang tanong ko,

Nagkibit balikat lang siya.
"Malalaman natin bukas".

Hindi na ako kumibo at ipinikit ko nalang ang mga mata ko,

Nanunuot pa rin sa kalooban ko ang sakit na dinulot niya. Paano ko ba malalabanan yon para tuluyang maalis iyon sa sistema ko.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now