PERSLABSTORI 41

188 9 18
                                    

"Xhia, mauna na kayong umuwi may pupuntahan lang ako". Paalam ko kay Xhia at isinarado na ang pinto ng van pagkasakay niya para hindi na niya magawang mag usisa pa.

Binilisan ko rin ang paglalakad at mabuti naman ay may dumaan agad na taxi kaya nakasakay agad ako,

Naunang umalis ang BTS members kanina at kami naman ay ngayon palang uuwi dahil biglang bumalik si Ms. Jamie at mineeting kami.

Gusto ko sanang tawagan si Hobi para itanong kung nasa dorm na ba si Yoongi pero nahihiya ako dahil baka masamain niya ang pagtatanong ko.

Kaya kahit wala akong kaide ideya ay tumuloy pa rin ako sa plano kong puntahan.

I came up with this idea because there's part of me na nagsasabing hanapin ko siya at magsorry sakanya.

Kanina ay parang bigla nalang akong nakonsensya, di ko naisip kung gaano siya nag effort na bilhan ako ng ganong bagay tapos di ko man lang naappreciate kaya talagang maa-upset siya.

At syempre hindi lang dahil dun kundi dahil na rin sa pag-aalala, nasaang lupalop ka ba? Bigla kang nawawala..

"Kamsahamnida", pagkababa ko ay pinagmasdan ko agad ang building na nasa harap ko.

Tama ba tong gagawin ko?

Nagdere derecho ako sa pagpasok at swerte namang walang guard na humarang sakin.

Parang nanlalambot ang tuhod ko sa bawat hakbang na ginagawa ko.

At ngayong nasa harap na ko ng pintuan ng apartment niya ay parang bigla akong nagdalawang isip kung magdodoorbell ba ko or umuwi nalang,

Tama kaya ang hinala kong nandito siya?

Pero paano kung wala?

Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan para kumpirmahin kung may tao ba sa loob at--

*tininiw tininiw, tintininiw tintintintin*

(A/N: INTRO YAN NG I NEED U - BTS AH BALAKAYOJAN HAHAHAHAHA)

Nakarinig ako ng tugtog ng piano na nanggagaling sa loob, ang sarap pakinggan nun at parang ayaw ko ng alisin pa ang tenga ko sa pagkakadikit sa pintuan ng unit niya,

Naeenjoy ko na ang tugtog na yun pero bigla itong tumigil at--

BUMUKAS YUNG PINTO!

"Yeogineun eojjeon il-iya?", nakatabingi ang ulo niya habang taas kilay na nakatingin sakin pero nanatili siya sa harap ng piano at may hawak na remote na siguro ay control para sa pagbukas ng pintuan,

(Trans: *What are you doing here?*)

"A-Ah t-tama pala ako, andito ka nga hehe", umayos ako ng tayo dahil mukha akong tangang nakasquat dun na akala mo nakadikit pa rin ang tenga ko sa pinto.

NAKAKAHIYA!

Di siya kumibo at parang wala lang ganang nakatingin sakin.

Kalma Gela, you're here to apologize and not to pick up a fight! Habaan mo pasensya mo--

"A-Alam mo bang hinahanap ka namin! Bakit di ka man lang magsabi kung saan ka pupunta?", pumasok ako saka lumapit sakanya't pinameywangan siya,

"Waeyo? Am I not allowed to go wherever I want without bothering telling y'all?", masungit na sagot nito sakin at tumayo din para harapin ako.

Napaatras ako at pilit nilalabanan ang titig niyang parang tumatagos sa kaluluwa ko.

"H-Hindi naman sa ganon, pero syempre hindi mo naman maiaalis sakanila ang mag-alala sayo". Napapamura ako sa isip ko dahil nauutal ako sa harap ng bansot na to.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now