PERSLABSTORI 12

154 10 6
                                    

Pagkarating sa dorm ay hindi ko na sila naasikaso, umakyat agad ako sa kwarto,

I need to talk to Zian, ayokong pinag iisip siya ng kung ano ano tungkol sakin,

Nagtoothbrush muna ako saka nagremove ng make up at nagbihis ng white sando at pajamas,

Dumapa ako sa kama at kinuha ang laptop ko saka binuksan yon,

Dali dali kong kinontak si Zian..pero hindi niya sinasagot,

Sinubukan ko ulit,

Isa pa ulit..

Isa pa..

At isa pa ulit..

Sagutin mo naman!

Aish kainis naman eh, paano ako mag eexplain nyan?

Naisipan kong kontakin si Rio,

At nakakadalawang ring palang ay sinagot niya na,

"WAAAAAH BAKS! ANG GANDA GANDA NG PERFORMANCE NIYOOOO!", Bungad niya pagkakita sakin sa screen,

Ganyan din ang iniisip kong reaksyon ni Zian pero nagkamali ako..

"S-Salamat! Nakausap mo ba si Zian?", tanong ko,

"Ahm no! Baka busy yun, ngayon ang outing nila diba?", sagot niya,

Ay oo nga pala na move ang date ng outing nila at ngayon nga yun,

Nakapagmessage naman siya sakin kanina pero bakit ngayon hindi ko siya makontak?

Galit ba siya?

"Tingin mo baks nagalit yon?" Nag aalalang tanong ko kay Rio na nagpakunot ng noo niya,

"Ha? Bakit siya magagalit?", nagtatakang tanong nito,

"Dahil dun sa napanuod niya", napapakagat labing sagot ko,

Kinakabahan ako ng di ko alam kung bakit, tch bakit kase ayaw ako sagutin para makapagpaliwanag ako eh!

"Yung part na nagkiss kayo? Siguro hindi naman kase part lang naman ng performance niyo yun diba? Pero infairness ano feeling na mahalikan ng superstar? Waaaah gusto ko din matry!", kinikilig na sabi niya,

Mukha ba talaga kaming nag kiss?

"Tch! Hindi naman kase totoo yung kiss na yon eh! We faked it!", inis na sabi ko, gulat naman siyang napatingin sakin,

"Eh bakit ka nagagalit?!", singhal niya pabalik,

Bakit nga ba ko nagagalit?

"Wala-- AY SYEMPRE DAHIL MAGING SI ZIAN INIISIP NA TOTOO YON!", sabi ko at napasabunot pa sa buhok ko,

Kainis naman eh! How can I explain myself if ayaw niyang sagutin yung tawag ko!

"Hala baka nagseselos siya kaya hindi niya sinasagot yung tawag mo? Ang galing naman kase parang naghalikan talaga kayo, nainngit pa nga ako sayo eh", kinikilig na sabi niya,

Naghalikan talaga?

Magsasalita na dapat ulit ako nung bumukas ang pinto ay pumasok si Jimin,

Napaayos ako ng pagkakadapa at hinablot ko yung kumot ko saka ibinalot ang sarili ko,

"Ooops I'm sorry", naiilang na sabi niya na iniwas pa ang tingin,

"W-What are you doing here Jiminie?", naiilang na tanong ko,

"Baks sino kausap mo?", si Rio,

"Si Jimin--", napatakip pa ako ng tenga nung magtitili siya,

"Kyaaaaaaah he's my bias! Oh my gosh! Oh my gosh!", umarte pa soyang parang pinapaypayan yung sarili niya,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now