PERSLABSTORI 33

159 10 43
                                    

Ang bango naman ng unan na yakap ko..

Teka bakit parang may nakayakap sakin?!

Hindi naman mahilig mangyakap si Xhia--

(O.O)

Pagdilat ng mata ko ay tumambad sakin ang mukha ni Yoongi na mahimbing ang tulog,

Nanlamig ang buong katawan ko nung mapagtanto ang pwesto namin.

Nakaunan ako sa braso ni Yoongi habang nakasandig ang ulo ko sa may dibdib niya, ang ulo niya ay nakasandig naman sa ulo ko at--

NAKAYAKAP SIYA SAKIN!

"Kyaaaah!", naitulak ko siya dahil sa pagkagulat dahilan para mahulog siya sa sahig.

"What the heck!", singhal niya at nung silipin ko ay naghihilot siya ng balakang niya,

Tinakpan ko ng kamay ko ang katawan ko kahit nakadamit naman ako, kung ano ang suot ko kagabi ay yun din ang suot ko ngayon.

"Yah what are you thinking? I didn't do anything to you freak!", inis na sabi niya saka tumayo at hawak pa rin ang balakang niya,

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit dito ka natulog?!", sigaw ko sakanya at napatakip naman siya ng tenga niya,

"Nakatulugan mo ang pag-iyak at ayaw mo akong pakawalan sa pagkakayakap mo so what do you want me to do? Tss!", magkasalubong ang kilay niya kaya alam mong galit talaga siya,

Nagulat lang naman ako kaya ko siya naitulak eh, this is the first time na may nakatabi akong ibang lalaki na hindi ko naman kaano-ano,

Pero kung hindi ako kumportable sa isang taong katabi ko magigising at magigising ako kahit gaano pa kahimbing ang tulog ko,

Himala at ang sarap ng tulog ko habang katabi siya.

Kay Zian lang ako ganon.

"Ano nanamang iniisip mo dyan? Again wala akong ginawa sayo okay? Tss! Sa susunod din panindigan mo yung sasabihin mo ah, when you say 1 minute then it's exactly 1 minute and not 20 minutes.", pagkasabi niya nun ay padarag siyang lumabas ng kwarto.

Aish 20 minutes akong umiyak? Kaya pala nakatulugan ko na.

Anong oras na ba?

8 AM??

Agad akong bumangon at dumirecho sa banyo para magtoothbrush at maghilamos,

Nagpalit muna ako ng damit bago nagpasyang lumabas na.

Gising na kaya silang lahat? Anong oras kaya sila natapos?

Nakakahiya ako nalang kaya ang wala pa sa sala?
Alam kaya nilang magkatabi kaming natulog ni Yoongi?? AAAAH! TEKA--

Kung sa kwarto namin ni Xhia natulog si Yoongi..Saan natulog si Xhia??

Ang expected ko ay lahat sila gising na pero nagtaka ako nung wala akong makita kahit isa nung lumabas ako sa sala, tulog pa ba silang lahat?

Maging si Yoongi ay wala dun. Nasan yun?

Kwarto nila Jimin ang malapit lapit sa sala kaya pumunta ako dun pero hindi ko binuksan, tinapat ko lang ang tenga ko sa pinto para pakiramdaman kung may tao ba sa loob, nakumpirma kong mga tulog pa nga sila dahil narinig ko ang pag ugong ng aircon which means na buhay ito.

Lumabas ako ng kusina para maghanda ng almusal, para paggising nila ay kakain nalang sila saka paniguradong may mga hangover sila,

Nung nagshopping kami nila Hobi ay isa ang pancakes sa pinamili namin kaya iyun ang balak kong ihanda for breakfast. Usually naman ay hindi sila kumakain ng rice pag umaga eh,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon