PERSLABSTORI 75

181 6 1
                                    

"Lahat sila nasa entertainment room na, let's go?", aya sakin ni Xhia. Nandito kami sa mansion ni Cliff maging ang mga staff ay siguradong nandun na dahil ilang minuto nalang ay irerelease na yun.

May nilaan siyang kwarto namin ni Xhia dito sa mansion niya kaya everytime na irerelease ang music video namin ay nandito kami para sabay sabay na panuorin yun. Actually two days na kaming nag iistay dito.

"Gela, kumpleto na sila dun, mamaya mo na ipagpatuloy yan. Tutulungan kita!". Sabi niya nung mahalatang di ko maiwan iwan yung pag papack ng lippies na ipapamigay ko sa fans. Ganto lagi ang ginagawa ko every comeback nung nakaraan ay perfume ang pinamigay ko kaya naisip kong yung same brand ng lipstick na ginagamit ko ang ipamigay. Si Xhia ay yearly food na luto niya ang pinapamigay at may staff siyang katulong para dun. Gusto man kasi nila akong tulungan ay di ko na sila inaabala dahil maliit na bagay lang naman to.

10 minutes before irelease ang video kami pumunta ng entertainment room, kami ang nakaupo sa may pinakaharap katabi sila Ces. Ang mga staff ay nasa likod namin at yung production team ay nasa gilid habang nakafocus sa laptop nila dahil sila ang magrerelease ng music video.

"Countdown guys". Excited na sabi ni Chan.

"3..2..1"

'I LEFT MY HEART IN SEOUL'

That's the main track of this comeback, our 'Unleashed the Prejudice' Album.

Sa title palang ng kanta ay alam niyo na kung ano ang pinaghuhugutan namin, pero may mas malalim pang kahulugan yan.

Sa MV ay nirecreate namin yung huling araw na nasa Korea kami pati na yung pinakamahalagang moment namin dun na hindi namin malilimutan.

Si Xhia na may hilang maleta at nangingilid ang luha habang palabas ng dorm, tandang tanda ko pa yung araw na yun na pareho kaming nanlulumo at mabigat ang loob na lisanin yung dorm.

Tandang tanda ko pa yung pagtalikod namin na wala man lang kaming pinagpaalaman, walang pinagsabihan. Yung araw na akala namin ay pagtalikod namin sa pangarap namin na dun nabuo ngunit di namin alam na may mas malaki palanh oportunidad na dadating samin.

Nakakatawang pareho rin naming iniwan ang Seoul na durog na durog, hindi alam kung paano babangon, we are breathing but half of our body were dead. Ganong pakiramdam, ganon kabigat. Bumabalik ang lahat ng yon just by watching this music video.

This is the moment we open up to our fans how unfair the world and how unfortonate we are way back then.

Nakita kong nagpupunas ng luha si Xhia. Napangiti ako ng mapait, matagal ng nangyari pero masakit parin pag binalikan mo.

Napatutok ako sa screen nung makita ko ang sarili ko dun, nasa lugar kung saan ko masasabing pinaka di ko malilimutan, tho hindi ko talaga makakalimutan dahil dun sa nangyari kamakailan lang.

Sa part ng music video ay makikitang ako lang ang tao dun, pero may anino ng dalawang magkasintahan sa isang bench kung saan malinaw sa isip kong kaming dalawa yun.

Hanggang sa biglang maglaho yung shadow ng lalaki at matira yung anino nung babae. Nakayuko, umiiyak at unti unting nauupos na parang kandila.

That's me!

Sa totoo lang ay it feels nostalgic na bumalik ka sa isang lugar na naging importante sayo pero hindi mo na kasama yung taong kasama mo nuon kaya mo nasabing importante ang lugar na yon.

Masakit pa rin.

Hindi ko muna iniisip yung nangyaring insidente nun pero ang naiisip ko ay yung sakit na magkasama kaming dalawa dun, masaya at ramdam mo yung love na nagbabind sainyong dalawa pero kinabukasan lang ay iiwan ka na pala.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now