PERSLABSTORI 24

164 10 49
                                    

Sobrang sakit ng katawan ko at nahihirapan akong bumangon.

Bakit kung kailan araw na ng pagpepresent namin ko pa to naramdaman.

Mabilis na lumipas ang mga araw at wala akong ginawa kundi gugulin ang lahat ng yon sa pagpapractice, madalas ay pinagpapahinga nila ako pero hindi ko sila sinusunod kaya siguro napagod na rin sila at tumigil ng sabihan ako.

Pinilit kong bumangon at tinahak ang hagdan habang nakaalalay ang kamay ko sa likod ko,

"O-Oh ayos ka lang?", bungad sakin ni Xhia nung madatnan ko siyang nagtitimpla ng coffee,

"Hmm medyo masakit lang yung likod ko, nangawit siguro sa pagkakahiga", nakangiting sagot ko at kumuha ng tubig sa fridge,

"Grabe ah yun talaga naisip mong dahilan kaya sumakit yang likod mo? Hindi mo naisip yung ilang linggo mong derechong pagpapractice?", sarcastic na sabi niyang naiiling pa,

"Edi dapat nun pa lang nanakit na ang likod ko diba? Tch nangawit lang siguro talaga ako.", sabi ko nalang kahit ang totoo ay hindi naman talaga yun ang nasa isip kong dahilan,

Malabong hindi ako sakitan ng katawan for abusing my body too much, nananakit talaga ang katawan ko pero ayokong ipahalata sakanila dahil patitigilin nanaman nila ako sa pagsayaw.

"Anyways isa pala ang bangtan sa mag eevaluate satin mamaya with PDnim and other producers, ready ka na ba?", bakas sa mukha niya ang pagkasabik,

Talaga? Kasali sila sa manunuod samin?

Ang alam ko ay may tour sila nung isang araw so nakauwi na pala sila.

"Ahm oo ready na. Ikaw ba?", sagot ko nalang,

"Oo sobra! Alam mo bang gustong gusto ko na talagang dumating ang araw na to!", ngiting ngiting sabi niya.

Buti ka pa gustong gusto mo, samantalang ako ipinagdarasal kong sana hindi na dumating ang araw na to.

"Ayos ka lang?", nagulat aki nubg magsnap siya sa harap ko,

"A-Ah oo naman. Bakit hindi?", natatawang sabi ko,

"Bigla ka kasing natulala dyan eh!", seryosong sabi niya,

"A-Ah wag mo pansinin yun, may naisip lang ako", sagot ko at nagpaalam sakanyang mag aayos na,

10 am ay dapat nasa studio na kami and it's 8 am na.

--

Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, hindi naman ako nagpupuyat pero bakit naghuhumiyaw ang eyebags ko?

Napatingin ako sa braso kong nadagdagan pa ang mga pasa,

Naisip kong magsuot ng fitted na damit pero parang hindi magandang idea yon dahil mapapansin nila ang mga pasa sa braso ko,

Gusto ko ring magsuot ng short pero maghuhumiyaw din ang pasa sa hita tuhod at binti ko,

Ang ending ay nagsuot ako nalang ako ng white na hoody at gray na leggings, we don't need to dress up well naman dahil performance namin ang titingnan nila,

Nag ayos ako ng mukha pagkatapos ay nagsuot ako ng white baseball cap saka ko na kinuha ang gamit ko at lumabas na ng kwarto.

"Wow be you look great", bati ko kay Xhia, nakasuot siya ng white na bestida na may kaiklian and she partnered it with crystal and glitter high heels na bagay na bagay sakanya, sexy dancing nga pala ang naassign sakanya,

"Thankyou, naeexcite na talaga ko!", tuwang tuwang sabi niya,

Maya maya ay lumabas na din yung tatlo,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now