PERSLABSTORI 30

195 11 21
                                    

"Siguro hyung you prayed na umulan no? So that we can't continue the bonfire and you can sleep", nakasimangot na sabi ni JK habang pinapasok sa loob ang mga pinggan dahil sa biglaang pag ulan,

"What the heck JK!", singhal ni Yoongi sakanya saka na pumasok sa kwarto nila,

"Hayaan mo na JK may bukas pa naman!", si Jin,

"Can we go to the beach tomorrow?", tanong naman ni Yna,

Hindi naman kalayuan ang beach dito sa suite na pinag iistay-an namin, at meron ding shuttle service na maghahatid sayo dun kaya hindi ka mapapagod maglakad patungo dun.

"Yes ofcourse we can, so for now let's just rest okay?", si Hobi ang sumagot sakanya,

"Yes goodnight", nauna ng pumasok si Hwana at Yna sa kwarto, at ganon din sila Jimin at V,

At ilang minuto lang ay kaming apat nalang nila Hobi ang narito,

Siya ang nagsabing magpahinga na pero siya tong still alive and kicking gayong mag 11 PM na.

Si Xhia rin ay gising pa at si Jin naman ay nasa kusina para ayusin yung mga lulutuin nila bukas na babaunin daw namin sa beach,

"I'll help Jin, maiwan ko muna kayo dito ha", paalam samin ni Xhia at tumango naman kami sakanya,

Tutok sa phone niya si Hobi at ako naman ay ganon rin dahil kausap ko si Kaila, yung anak ni daddy kay tita Kaira,

Nakaupo kami sa iisang couch pero malaki ang espasyo sa pagitan namin.

"You're not sleepy yet Gela?", nilingon ko si Hobi at nakababa na ang phone nito sa mesa, saka nakacrossed arms at nakasandig sa sandalan ng couch habang nakatingin sakin,

Umiling ako sakanya at ngumiti,

"How about you? Baka inaantok ka na, magpahinga ka na!", nakangiting sabi ko at dahan dahan naman siyang tumango,

"Tara hatid na kita sa kwarto niyo.", sabi niya at tumayo saka nilahad pa yung kamay sakin,

Wala pa sana akong balak pumasok sa kwarto pero nahihiya naman ako sakanya kaya tumango na ko at inabot yung kamay niya,

"Goodnight! I hope you're feeling better now!", malambing na sabi niya at tulad nung nakaraan ay niyuko niya ako at hinalikan sa ulo,

At talagang ang sarap nun sa pakiramdam.

Hindi ako nakakibo agad kaya ginulo niya ang buhok ko saka tumalikod na,

Pero may something saking sinasabing habulin ko siya,

"Hobi", tawag ko at hindi pa niya ako nililingon ay napayakap agad ako mula sa likuran niya na kinagulat naman niya,

"Y-Yes Gela?", unti unting nawala ang pagkagulat niya atat naramdaman ko nalang na yakap niya ang mga braso ko,

Wala akong awkward na naramdaman sa totoo lang kahit na ganto kami kalapit sa isa't isa,

"Thankyou for always there for me, sa totoo lang isa ka sa dahilan kung bakit unti unting bumubuti ang pakiramdam ko, thankyou so much Hoseok", pakiramdam ko ay this is the first time na tinawag ko siya sa real name niya,

"Gela sabi ko naman sayo na nandito lang ako for you right you are very much welcome", hinarap niya ako at hinawakan sa kamay,

"Siguro kung wala kayo, hanggang ngayon kinakain pa rin ako sakit", nakangiting sabi ko at ngumiti naman siya saka ako kinabig palapit sakanya para yakapin,

Masasabi kong si Hobi ang kauna unahang lalaking pinakitunguhan ko ng ganto, I found a boy friend in him.

"Ehem", napakalas ako sa pagkakayakap kay Hobi nung marinig ko ang boses na yun,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now