PERSLABSTORI 35

177 10 0
                                    

"Yoongi?! What are you doing here??". Gulat na tanong ko sakanya at kita ko kung gaano siya nailang nung tingnan ang suot ko--

Oh shit!

I am wearing an oversized thin shirt and I'm not wearing bra.

"Hahahahaha!", tatawa tawang hinagis ni Rio sakin yung towel na nakuha niya sa couch at dali dali ko naman yung ipinangtakip sa katawan ko.

Shet nahalata niya kayang wala akong suot na bra? Bumakat ba? Waaaaaaah!!

'Gaga as if naman may babakat sayo'

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!", pilit kong pinapahinahon ang boses ko para hindi ako magmukhang mean kahit na hindi ko gusto ang sitwasyon namin.

Ang alam ko ay iniwan ko siya sa Korea kahapon so anong ginagawa niya dito ngayon?

"Well I'm not supposed to be here on your unit kung hindi ako hinila niyang kaibigan mo papasok!", masungit na sigaw niya sakin saka niya sinamaan ng tingin si Rio na halatang nanunukso sa pamamagitan ng tingin nito.

"Ano??", nagtataka kong binalingan si Rio at nagkibit balikat lang siya.

"She assumes that I'm here because I'm following you which is not f*cking true!". Inis na sabi ulit ni Yoongi.

Teka..

"Eh ano nga ba kasing ginagawa mo dito sa Pilipinas?", takang tanong ko sakanya.

"My favorite basketball team will be having a game on Philippine Arena tomorrow morning that's why I'm here and I'm looking for hotel that I can stay at. I bumped on your friend and she pulled me here!", pagmamaktol na sabi niya.

"Weeeeeh? Tss eh kasi mukha kang batang nawawala kaya kita dinala rito, nako sa itsura mo pa naman matetempt mo ang mga tambay. Tapos yung way ng pagtingin mo naku pag binugbog ka ng mga tambay dito sa manila". Iiling iling na sermon ni Rio sakanya,

"I don't care, instead of pulling me here! Tss", tumalikod siya samin at akmang lalabas na pero pinigilan siya ni Rio,

"Where do you think you're going? Tsk kunyare ka pang ayaw mo dito eh..sus ikaw ah! Kala mo di kita nahahalata. Pero gaya nga ng sinabi ko delikado para sa bigtime na katulad mo ang magpalakad lakad sa labas na kala mo ligaw na pusa kaya dito ka nalang tumuloy and don't worry Gela won't mind it. Yieeeeee-ARAY NAMAN!", Hinilot niya ang braso niya na tinamaan ng tsinelas na ibinato ko.

"Tch dami mong alam! Yoongi, alam ba nila Xhia na pumunta ka dito?", seryosong tanong ko sakanya,

"Ofcourse!", tipid na sagot lang nito.

Aba't napakasarap kausap.

"Eh bakit di mo pinaalam sakin?", taas kilay na tanong ko sakanya,

"I didn't know na kailangan mo palang malaman?", masungit na sagot na nagpasalubong sa kilay ko.

Pasensya Gela, konti pang pasensya!

"Aish, you can stay here! Di naman kita pwedeng pabayaan so dumito ka nalang!", sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay,

"I'm not your responsibility tho--ouch what the heck?", hinimas niya agad yung braso niyang kinurot ni Rio,

"Wag ka ng madaming dada, dito ka na nga daw mag stay eh choosy ka pa. Alam mo bang bukod kay Zian ay ikaw palang ang pangalawang lalaking pinatuloy niya dito. Kaya wag ka ng maarte dyan, akina yung gamit mo!", parang nanay na sabi ni Rio sakanya at kinuha ang bag na dala nito saka kami tinalikuran.

"Your friend is crazy!", nakangiwing usal nito.

"Tch, maupo ka dyan. Magbibihis lang ako. Magpadeliver nalang tayo ng food dahil hindi pa kami nakakaluto." Sabi ko nalang saka ko siya iniwan sa sala.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now