PERSLABSTORI 73

183 6 1
                                    

Isang linggo na ang nakalipas nung ilibing ang lola ni Yoongi, hindi na ako nakipaglibing pa dahil ang alam ko ay ang family lang ang pwede at hindi na rin naman ako pinilit pa ni Yoongi na sumama.

Maglilimang araw na rin kaming nananatili sa dorm nila, yes we are still in Korea and we will be staying here for the shoot of our music video.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyong tanggapin namin ang offer nila na magstay kami dito kaysa magrent ng apartment, ang alam lang nila ay gusto naming dumito sa Korea para magbakasyon well yun na rin naman ang isa sa dahilan pero hindi kase nila alam na dito din ishushoot ang music video para sa new album namin.

Share muna sa kwarto si V at JK dahil hinayaan kami ni Taehyung na gamitin namin ni Xhia ang room niya ofcourse di naman kase pwedeng makitabi kami sa isa sa kanila.

"Hobi, nasaan sila??", tanong ko habang nililinga linga ang tingin sa kabuuan ng living room, napakatahimik ng dorm at siya lang mag isa ang nandun na tutok na tutok sa laptop niya habang may hawak na note pad at ballpen.

Napuknat siya agad sa ginagawa niya at nakangiting bumaling sakin,

"Nagkayayaan silang magbasketball, and uhm sadly di ako nakasama because of this". Nakangusong sabi niya na itinaas pa yung notebook at pen na hawak niya para ipakita sakin,

Busy siya sa pagsulat ng kanta para sa mixtape niya, tho ang alam ko ay malapit niya na iyung matapos.

"Oh I see, magtatanghalian na pala siguro mga pabalik na din yon". Hindi ko na siya inabala pa, sinabi niyang nasa kusina si Xhia kaya dumirecho ako dun at tinulungan siya nung makita kong naghahanda na siya ng mga pagkain.

"Wala pa sila?", tanong niya. Sa araw araw na pananatili namin dito ay si Xhia ang parang tumatayong nanay ng bahay, palagi silang magkatulong ni Jin sa pagluluto at minsan ay pati si Yoongi nakikitulong pag hindi iyon inaantok.

Ako naman ay ginagawa ko rin yung mga kaya ko namang gawin para makatulong tho I'm not really into cooking.

"Wala pa eh--Oh ayan na yata". Natigilan ako at sumilip sa living room nung makarinig ng ingay,

"Wooooooh! I'm so tired", malakas na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ni Jimin saka isinalampak ang sarili sa couch katabi ni Hobi,

"Ya! You're wet get away from me!", nandidiring sabi ni Hobi na agad tumayo bitbit yung laptop niya.

"Arte hyung ah!", tatawa tawang sabi ni JK pero nginusuan lang siya ni Hobi.

"O-Oh andyan na pala kayo! Magpunas kayo ng pawis at masama pag natuyuan kayo, magsipagpalit na rin kayo ng damit". Bilin ni Xhia sakanila saka ito tumabi sakin,

"Yes noona", sagot ni V sakanya at saka sila isa isang nagtalikuran pero naiwan si Yoongi at Jin,

Si Yoongi ay kala mo nanaman walang pakialam sa paligid, nakasandal siya couch habang nakapikit ang mga mata, tumatagaktak ang pawis sa leeg niya, nakaheadband siya at kitang kita rin ang pawis na tumutulo sa gilid ng pisngi niya.

Err-Ehem!

"Oh? Jin magbihis ka na. Teka anyare? B-Bakit iika ika ka??", nag aalalang tanong ni Xhia nung lumakad ng kaunti si Jin papalapit,

"RM accidentally pushed me and hindi ako nakapag balance kaya natalisod ako". Sagot nito at napabuntong hininga naman si Xhia,

"S-Sige dyan ka nalang, ako na kukuha ng damit at towel sa kwarto mo, give me the key". Sabi nito at inilahad ang kamay sakanya, agad naman niyang kinuha ang susi ng kwarto niya sa bulsa niya saka inabot kay Xhia.

"Oy ikaw! Ano balak mo?", usal ko saka mahinang sinanggi ang paa ni Yoongi at agad naman itong dumilat saka masama ang tinging bumaling sakin,

"What?!", masungit na singhal nito.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon