PERSLABSTORI 76

167 7 0
                                    

"Congratulations cheers!", magkakaharap kami ngayon sa isang dinner party after ng comeback stage namin,

Nandito din sila daddy, yung kuya ni Xhia, at maging ang bangtan. Tho wala si Yoongi--

"Where is Yoongi?", tanong ni tita kaya nagkatinginan naman yung mga members saka tumingin sakin,

"H-He's working on his new project that's why he won't be able to came here", sagot ni RM at pasimple naman akong ngumisi,

"He came, but also left after I answered the question". Napaamang silang lumingon sakin na parang gulat pa,

"Oh jinjarro?", si Jhope,

"You saw him?", si Jimin,

"Out of 5000 people there, you saw him?", si V,

"Even if he's not that tall, you really saw him put of the 5000 people in the crowd", si JK

"Oh so he came", si Jin,

"Guys!", saway ni RM sakanila.

"Parang mga gulat na gulat kayo ah, na clown kayo ni Yoongi, working on his new project pala ah", tatawa tawang sabi ni Xhia na iiling iling pa,

"Sayang wala siya dito ngayon", biglang usal naman ni daddy kaya automatic na nabaling sakanya yung atensyon namin,

"Is it okay with you sir if he's here?", si Jhope,

"Oo nga po?", si Jimin,

"Even if you know their past?", si V,

"Ano ba kayo?!", saway ulit ni RM,

"Past is past", nakangiting sagot lang ni daddy sakanila,

"Anyways, you..", biglang singit ng kuya ni Xhia na nakaturo pa kay Jin kaya kitang kita namin ang pamumutla nito,

"Speaking of the past, you are my sister's ex boyfriend right? You're the one who hurt her right? You're the one she's talking about awhile ago right? Glad you're here!", napasinghap kami nung tumayo yung kuya niya habang nakangising lumalapit kay Jin,

"Kuya", saway ni Xhia sakanya na tumayo rin dahil nangangapa kung ano ang gagawin ng kuya niya kay Jin lalo na't hinihilot nito ang kamao habang dahan dahang lumalapit kay Jin na napapalunok habang nakatingin sakanya,

Natatawa naman ako dahil nakahanda ang members sa kung anong posibleng mangyari--

"Thankyou for hurting my sister, hindi siya magiging successful at kilalang tao ngayon kung hindi dahil sayo". Nakahinga kami ng maluwag nung ilahad niya yung kamay niya kay Jin para makipagshakehands.

"I thought he'll going to punch hyung", rinig kong bulong ni JK at nagtawanan nalang kami.

After naming kumain ay naghanda na sila ng maiinom, ang members ay nandito pa rin with us. Tho dahil pagod na pagod kami ni Xhia ay hindi na namin natapos pa ang party at sila nalang ang natira dahil pinagpahinga na kami.

"Pupunta ka sakanya bukas?", tanong ni Xhia habang tinatanaw ako sa repleksyon ng salamin habang nagpapahid ng moisturizer,

"Oo, gusto ko siyang makita, gusto kong malaman kung okay na siya"..

--

Kinabukasan ay maaga akong umalis lalo na rin at hindi naman alam nila Cliff na pupuntahan ko siya dahil alam kong hindi nila ako papayagan,

Mabuti na rin na maaga akong umalis para walang gaanong tao na makapansin sakin.

Nagsuot lang ako ng plain black oversized shirt at white ripped jeans saka converse na white, nakabaseball cap ako, hindi ako nag mask dahil mas kapansin pansin pa yun.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon