PERSLABSTORI 29

192 9 44
                                    

"You look bothered", napalingon ako kay Jin nung mapansin kong nasa may tabi ko siya, uminom muna ako ng alak sa baso ko saka ulit bumaling sakanya at ngumiti,

"Don't mind me..teka bakit hindi ka nakikisali sakanila?", tanong ko dahil matapos naming kumain ay nag sipag lusungan na ulit sila at maging sila Hwana nakisali na rin sakanila, at ang alam ko ay nag umpisa na rin ang inuman na pinangunahan ni bansot,

Pero iba ang alak na iniinom ko dahil masyadong hard yung gusto ni Yoongi, at masyado pang maaga para malasing,

"Xhia wouldn't allowed me to--", naputol ang sasabihin niya nung biglang pumasok si JK na hindi alintana ang tumutulong katawan niya habang tinatahak ang daan papuntang kwarto,

Naintindihan ko naman si Jin siguro ay hindi siya pinalusong ni Xhia dahil may sugat siya pero sa daliri lang naman yon ah tch.

"C'mon join us!", aya ni JK samin habang hinahagis hagis yung bolang hawak niya,

"Xhia's going to join you?", tanong ni Jin,

"Yes, kaya tara na hyung, Gela", biglang tumayo si Jin at nilingon ako,

"Susunod ako", nakangiting sabi ko sakanila at tumango naman sila at tumalikod na,

Akala ko ba ayaw siyang palusungin ni Xhia? Tch ang gulo nila.

Pero wala ng mas gugulo sa nararamdaman ko,

Sa totoo lang ay pagkatapos naming mag usap ni daddy ay hindi na natahimik ang isip ko,

Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko, gusto kong puntahan si Zian pero may pumipigil sakin at alam niyo na kung ano yun,

Yung galit sa puso ko.

Aaminin kong affected pa rin ako dahil hindi pa naman ako nakakamove on sa nangyari samin tapos malalaman ko pang hindi natuloy ang kasal nila ni Nami, sa totoo lang ay mas nawindang ako.

Nag-aalala rin ako sa kondisyon ni Zian ngayon,

Nung kami pa ay ayoko na talagang nasasaktan at napapahamak siya. Pero iba na nga pala ang may hawak sakanya,

Hindi pa siya iningatan! Hays,

Pinili kong tumayo na dahil patuloy lang akong mawiwindang kung iisipin at iisipin ko lang si Zian.

Paglabas ko ay napalingon ako sa table na may nakapatong na alak at mga baso,

Binaling ko sa pool ang paningin ko at nakita ko silang nagkakatuwaan, nakapabilog sila at nasa gitna si Hwana na parang nagsisilbing taya,

"Hey Gela, join us", tawag sakin ni V kaya nagtinginan sila sakin,

"Tara beh sali ka", sabi naman ni Xhia,

Napatingin ako kay Yoongi na siyang may hawak sa bola, nakatingin rin siya sakin at parang hinihintay rin akong sumali sakanila.

So wala na kong nagawa.

Agawang bola pala ang laro nila at dahil daw ako ang huling sumali ay ako ang taya,

Napasinghap pa ako sa lamig ng tubig pagkalusong ko,

Pumwesto na ako sa gitna and since na kay Yoongi ang bola ay sakanya ako akmang lalapit pero nakaka dalawang steps palang ako ay inihagis niya na agad kay Jimin yung bola,

"Come and get it baby--aray hyung!", binatukan siya ni Jin at sinamaan ng tingin kaya napapahiya siyang ngumuso,

Come and get it baby pala ha,

Biglang binato ni Jimin ang bola kay Jin at hindi siya alerto kaya madali kong naagaw ang bola kaya nataya siya,

Pumwesto na sa gitna si Jin at inihagis ang bolang nasalo naman ni Jena--

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt