PERSLABSTORI 69

167 6 2
                                    

"Gela, gising na..aalis na tayo!", kinusot kusot ko pa ang mata ko saka ako tuluyang bumangon,

"Anong oras na po tita?", tanong ko sakanya.

"Alas siete na ng gabi iha, nakauwi na sila Namjoon, hindi na nakapag paalam sayo dahil gusto daw nilang makapagpahinga ka ng maayos". Napatango ako sakanya,

Alas singko nga pala ang alis nila, nagsabi naman din sila sakin kanina nung nasa may dalampasigan kami.

"Si Xhia po?", tanong ko ulit.

"Nag aayos na rin siya. Yung private chopper na pinadala ng agency niyo ay nagaabang na rin.", pagtango ulit ang naisagot ko sakanya,

Napag usapan namin ni Xhia na pansamantala muna kaming uuwi sa mga family namin, so ako ay uuwi ng Bulacan at siya naman ay uuwi sa Quezon.

Tumayo na ko at nakita ko namang nakaayos na ang mga gamit ko.

"Pinalitan ko na rin yung bandage mo. Masakit pa ba?", pinakiramdaman ko yun at oo masakit pa,

"Thankyou po tita". Nag ayos na rin ako para makaalis na kami.

Nagsuot lang ako ng joggerpants at white fitted shirt, slippers lang ang suot ko dahil hindi ako makakapagsapatos dahil sa sugat ko.

Inalalayan ako ni tita at sinalubong naman kami ni Xhia saka sinabing magdidinner muna kami bago umalis,

"How are you feeling sis?", nakangiting tanong ni Xhia na siyang kumapit pa sa kabilang braso ko,

"Ahm okay na ko, masakit nalang yung sugat ko pero yung pakiramdam ko naman ay ayos na", tumango nalang siya sakin,

Nagtaka ako nung makalapit kami sa may dinner table, may limang pinggan na nakalatag dun kaya nagtaka ako dahil apat lang naman kami,

Pero baka naman sinobrahan lang kaya hindi na ako nagtanong pa.

Naupo na kami at inihahanda na rin ang mga pagkain pero wala pa si daddy--

"Oh sakto ang dating niyo, kakain na tayo", nangunot ang noo ko at napalingon sa kung sinong tinutukoy ni tita,

Niyo??

"Y-Yoongi?? A-Akala ko bumalik na kayo ng Korea??", napapaamang na tanong ko nung makita siyang kasabay na naglalakad ni daddy palapit samin,

"A-Ay iha di ko pala nabanggit sayo na naiwan siya because I invited him na sumama satin sa Bulacan". Ngiting ngiting sabi ni tita na ikinalaki ng mata ko,

"P-Po??", gulat na tanong ko at narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Xhia,

"Nalaman kasi ni Kayla na kasama natin ang BTS at nagtatampo siya dahil dapat daw pala ay pinasama nalang siya kaya naisip kong iinvite si Yoongi sa bahay para hindi na magtampo si Kayla, besides he's an army and Yoongi biased.", hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila,

Kalokohan ba to??

"Mabuti nga at napapayag siya ng daddy mo eh, tara na dy umupo na kayo ng makakain na tayo at makauwi na". Parang hindi mag sink in sa utak ko na makakasama namin siya sa bahay, at lalong naguguluhan ako dahil parang kaswal si daddy sakanya na parang walang nangyari kahapon.

Hindi ako nakakain ng matino to think na katabi ko pa siya, sasama siya sa bahay?? Seriously?

--

Hinatid namin si Xhia sa Quezon City dahil malalim na ang gabi at hindi hinayaan ni daddy na mag isa siyang umuwi since she wants to surprise her family kaya wala siyang balak magpasundo..

Hindi na rin naman kami tumuloy pa sa loob ng bahay nila at ang sabi ko nalang ay dadalaw nalang ako dun bago kami bumalik ng US.

"Iha, malayo pa ang byahe natin kaya matulog ka na rin muna. Buti si Yoongi hindi nagigising kahit malubak ang daan". Sabi ni tita kaya napalingon naman ako sa katabi ko,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now