PERSLABSTORI 16

166 9 13
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw,

Sunod sunod ang naging performance namin nung mga unang dalawang linggo pagkarelease ng comeback nila,

Ako na ulit ang gumawa ng part ko sa rap ni Yoongi, sinabi kasing madami ang nadismaya dahil sa pag agaw ni Shina ng part ko but hindi naman daw nagampanan ng maayos, edi ang ending galit na galit nanaman sakin ang gaga. Pero ano bang pakialam ko sa galit niya?

Hindi namin gaanong nakakasama ang bangtan ngayon dahil busy sila ibang guestings sa loob at labas ng Korea at sa pagrerehearse dahil sa susunod na linggo ay mag uumipisa na ang concert tour nila, minsan ay nagkakasalubong kami sa hallway ng bighit building pero hindi na nagagawang makipagkwentuhan ng matagal dahil talagang busy sila.

Ngayon ay papunta kami sa mall, sumama ako kay Xhia dahil may bibilhin siyang regalo para ipadala sa pamangkin niyang magbibirthday sa Pilipinas,

Ayaw pa nga niya akong isama dahil natatakot siyang baka maulit yung nangyari sakin nun,

Nung may makakilala saking fans ni Shina..

Wala akong pakialam sa galit sakin ni Shina pero ang hindi ko kaya ay ang galit ng fans niya dahil pakiramdam nila ay inaagaw ko si Yoongi sa idol nila.

They are so pathetic as well as their idol.

(Flashback)

Kakatapos lang ng performance namin, pagkapalit ko ng damit ay nagpaalam ako sakanilang mauuna na ako dahil kikitain ko si Rio dahil nandito daw siya sa Korea dahil may tour ang company na pinagtatrabahuhan niya,

Kinakapa ko ang mask sa sling bag na dala ko pero wala akong makapa,

Even my basebal cap hindi ko na naisuot at naiwan ko sa sa dressing room dahil sa pagmamadali kong kitain si Rio,

Luminga linga muna ako bago ako tuluyang lumabas sa lugar na yon at dahil hindi naman ako pwedeng magpahatid sa service namin ay magtataxi nalang ako.

Medyo kinabahan pa ako nung makita kong naglalabasan na din ang mga taong nanuod sa show,

'Sana walang makakilala sakin'

Mabuti nalang at may parating ng taxi..

"Look girls! That's her right?"

"Who? A-Ah yes Jira! She is Yoongi's partner!"

"She's the one who's taking Yoongi away from our queen Shina!",

"She's a flirt!"

A-Ano daw?
Queen Shina?
Flirt?

Napalunok ako nung makitang pasugod sila sa pwesto ko,

Tumakbo ako papalapit sa taxi pero hindi pa man ako nakakasakay ay nahablot na ko nung may pinakamahabang bias sakanila,

"Ouch get off me!", inis na singhal ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko na parang bumabaon na sa balat ko yung mahahabang kuko niya,

"Then stop flirting Yoongi", sabi nung isa at nararamdaman ko ng parami na sila at panay ang kalmot sa braso ko,

Nakatshirt lang ako kaya exposed sakanila ang skin ko,

"I'm not flirting him! Stop it!", sabi ko at hinawi sila pero ayaw nilang magpaawat,

Panay ang busina ng taxi pero hindi man lang bumaba si manong driver para tulungan ako. WAW

Tinatanggap ko lang ang pananakit nila pero pilit kong iniiwas ang mukha ko, okay ng makalmot ang braso ko pero wag lang ang mukha ko.

I feel so helpless, wala akong magawa at mukhang wala silang balak na tigilan ako at mukhang wala rin namang tutulong sakin para makawala sakanila.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon