PERSLABSTORI 34

165 8 24
                                    

"Uuwi ka talaga?", tanong ni Xhia sakin habang pinapanuod akong mag empake,

Kahapon din ay inayos agad ni Ms. Joe ang papers ko nung nagpaalam ako kay Pdnim na kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Tho 3 days lang ang binigay niya saking araw para mag stay dun.

"Oo pagbibigyan ko lang yung mommy ni Zian, promise last na to". Sagot ko sakanya at pilit na ngumiti,

"Dadaan ka pa ba sa dorm? Nagpaalam ka na ba sa members? Gusto mo ba samahan kita?", sunod sunod na tanong niya.

"Hindi na ko babalik sa dorm, okay lang bang isabay mo nalang ang ibang gamit ko pag uwi niyo bukas? Konting gamit lang ang dadalin ko sa Pinas at kung maubusan man ako ng susuotin ay bibili nalang ako dun, saka hindi ko pa nasasabi sa members". Sagot ko sakanya, pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay inayos ko na rin ang sarili ko saka kami sabay na lumabas.

It's 8 AM and 12PM ang flight ko.

"You're leaving Gela?", Tanong ni Hobi, nasa sala silang lahat maliban kay Yoongi,

Nasan yun?
Ay malamang kasama ni Shina.

"Ahm oo eh, kailangan ako ng mommy ni Zian, I'll stay in the Philippines for about 3 days. So mauuna na ko guys. 12PM ang flight ko. Pasensya na, iiwanan ko kayo dito. Take care. Kayo na ring bahala kila Xhia". Nakangiting paalam ko sakanila,

"Do you want us to take you in the airport?", tanong ni Jimin,

"Naku hindi na, okay lang nakausap naman na ni Pdnim yung isang driver dito. Siya na ang maghahatid sakin sa airport". Nakangiting sabi ko sakanya.

"You'll be seeing Zian, Gela. Are you sure kaya mo na?", bakas ang pag aalala sa tono ni Jin,

Ngumiti ako sakanya at sumagot.

"Yes, kakayanin. Sige na mauna na ko! Xhia..", lumapit ako sakanya at yumakap.

"Take care Gela". Lumapit din sakin si V at yumakap kasunod si Jimin at JK pati sila Yna.

"Mag iingat din kayo dito. Una na ko guys. Salamat", nakangiting usal ko at lalabas na sana nung humabol si Hobi at inagaw yung hawak ko.

"Ihahatid na kita sa sasakyan". Nakangiting sabi nito kaya wala na akong nagawa.

"Are you sure you're going to see him again? Handa ka na? Do you need company? I can come with you". Offer ni Hobi pero umiling ako sakanya,

"Okay lang ako Hobi. Besides hindi naman si Zian ang ipupunta ko dun kundi yung mommy niya. And hindi rin naman kami magkakausap na dalawa so I'll be fine". Ngumiti siya sakin at ipinatong sa balikat ko ang braso niya saka kami nagpatuloy sa paglalakad,

"Oh you look good together, Hoseok-ssi why don't you court her?", ano ba yan? Paalis na ko't lahat lahat nakasalubong ko pa yung taba ng talangka kasama si bansot.

"Where are you going Hobi?", tanong ni Yoongi na sumulyap pa sa maliit na maletang bitbit ni Hoseok at maging sa braso nitong nakapatong sa balikat ko.

"Ihahatid ko lang si Gela sa kotse", simpleng sagot nito sakanya.

"Oh, you're leaving? Well that's nice, I don't want to see you around--", hinawi ni Yoongi yung kamay ni Shina na nakakawit sa braso niya kaya natigilan ito sa pagsasalita,

"Yes I'm leaving, because I don't want seeing you around too. So I bet the feeling is mutual.", nakangising sabi ko sakanya at napaamang naman siya.

"Enough, where are you going?", seryosong tanong sakin ni Yoongi,

"Uuwi akong Pilipinas--", nagreact agad siya kahit di ko pa natatapos ang sasabihin ko,

"What are you going to do there?", taas kilay na tanong nito,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now