PERSLABSTORI 31

175 12 34
                                    

"Isa pang shot please", pakisuyo ni Xhia na kung ano anong pose ang pinag-gagagawa,

"Okay na?", tumango siya at lumapit sakin,

"Ikaw naman!", nakangiting sabi niya at kinuha ang camera sakin,

"Ayoko nahihiya ako-ARAY!", singhal ko nung kurutin niya ang tagiliran ko,

"Walang hiya hiya aba, sa ganda't sexy mong yan nahihiya ka pa? Hala sige mag pose ka roon!", utos nito at itinulak pa ko ng bahagya.

Aish!

Nakailang shots lang kami nung mapag isipan naming bumalik sa cottage para kumuha ng cloth at lotion,

Feel daw kasi niyang mag sun-bathing. Wala sa isip ko yun dahil parang mas gusto kong kumain kaso mapilit siya.

"Xhia do you want me to put a lotion on your back?", tanong ni RM na di namin namalayang nasa may likod lang pala namin.

"Oh sure", nakangiting sagot ni Xhia, inabot niya kay RM yung lotion at inilatag niya na yung cloth saka dumapa dun,

Napaatras pa ako nung lumuhod si RM sa gilid niya,

Parang di ko kayang may lalaking hahaplos sa balat ko, kung sa braso okay lang pero kung sa ibang part ng body ko parang nakakailang.

He was about to put the lotion on his palm nung may umagaw nun sakanya,

"Oh Jin hyung?", gulat na tanong nito pero pabulong lang kaya parang kami lang ang nakarinig at hindi si Xhia,

San nanggaling tong si Jin?

He's so fast ah.

Lumapit si Jin kay RM at may binulong rito,

Napasinghap ako nung biglang tumayo si RM at magtatakbo,

San pupunta yon?

Nilingon muna ako ni Jin bago siya lumuhod sa gilid ni Xhia, tiningnan ko siya ng parang nagtatanong kung siya ba ang maglalagay ng lotion kay Xhia at kindat lang ang isinagot niya sakin,

Nagsalin siya ng lotion sa palad niya at--

BWAHAHAHAHAHAHAHA

Is this the first na maglalagay siya ng lotion sa katawan ng babae?

Kitang kita ko kung paano siya namula nung dumikit ang kamay niya sa likod ni Xhia,

Parang every ilalapat niya ang kamay niya sa likod ni Xhia ay nag aalalangan muna siya kung itutuloy ba niya, napapansin ko rin ang ulit ulit niyang paglunok habang ginagawa iyon,

He's so damn shy,

Pero bakit kasi siya ang nagprisintang gumawa?

"D-Done", mahina ang pagkakasabi niya nun na enough lang para marini ni Xhia,

"Oki thanks RM--JIN??!", Gulat na tanong ni Xhia nung pagbalikwas niya ay si Jin ang bumungad sakanya,

Pilit kong pinipigilang tumawa sa itsura nila pareho, butil butil ang pawis ni Jin at nanlalaki naman ang mata ni Xhia,

"I-Ikaw ang naglagay sakin ng lotion??", paninigurado nito at parang napapahiya namang tumango si Jin,

"P-Pinatawag kasi ni Yoongi si RM so I take it over, s-sorry", napapakamot sa ulong tumayo si Jin at naglakad palayo,

Nagkatinginan kami ni Xhia at kinunutan ko siya ng noo,

"B-Bakit hindi ko naramdamang siya pala yon at hindi si RM?", nagtatakang tanong niya na ikinailing ko,

Xhia Xhia Xhia, tch

"Hmm ewan, siguro kasi manhid ka". Kibit balikat na sagot ko saka ako sumunod kay Jin sa cottage.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now