PERSLABSTORI 68

176 6 2
                                    

"D-Daddy you know that I love you and I'm really thankful to have you..but please do excuse me", pagkasabi ko nun ay humalik ako sa pisngi niya at nagtatakbo,

"Gela!", narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko at nung lumingon ako ay nakita kong nakaharang sakanya ang members.

I run as fast as I could, hinanap ko siya..hindi pa naman siguro siya nakakalayo.

Bansot naman siya kaya siguradong maliliit lang ang hakbang niya.

Pero..

Nasan na yun? Ang bilis naman niyang makalayo?

Naaagaw na ng dilim ang liwanag dahil mag aalas siete na,

"What are you doing here??", inilinga ko ang tingin ko nung marinig ang boses niya at muntik pa akong mapatalon nung makita siyang nakahiga sa isang bench dun, naka unan sa dalawang braso niya at nakatingin sa kalangitan,

Paano niya ko nakita?

"WTH bakit ka nakahiga dyan?", napapaamang na tanong ko at bumangon naman siya,

"And why are you here? You supposed to be on your birthday celebration, anong ginagawa mo dito?". Tumayo siya at napaatras pa ko nung lumapit siya sakin, is it just me or talagang basa ang pisngi niya at medyo namumula ang mata niya,

Wala akong maapuhap na sasabihin.

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at sinundan ko pa siya?--

"You followed me here??", tanong niya at wala naman na din akong lusot kaya tumango ako.

"Malamang, anong gagawin ko dito diba? Edi you're right. I followed you". Nauna akong maglakad sakanya at naramdaman ko naman ang pagsabay niya.

"Why?", tipid na tanong niya, nilingon ko siya at kinununatan ng noo,

"Anong why?", tanong ko saka ako yumuko at nilaro ang buhanging sinasayaran ng paa ko,

"Bakit mo ko sinundan? T-Tapos na bang mag speech ang daddy mo?". Napabuntong hininga muna ako bago sumagot, napangiti pa ko nung mapansing ginagaya niya ang ginagawa kong paglalaro ng buhangin,

"H-Hindi ko rin alam kung bakit ba kita sinundan..oo nga pala..hindi alam ni daddy na nandun ka--", pinutol niya ang sasabihin ko,

"Are you guilty?? Don't be..And you don't have to explain because I deserved everything he said.", may kung anong nagwala sa loob ko pagkasabi niya nun,

Natameme ako at parang pinutulan ng dila dahil hindi ko magawang magsalita.

Tahimik lang kaming dalawa na parang nagpapakiramdaman--

"Ah shit!", singhal niya nung biglang bumuhos ang ulan, tumakbo siya at tatakbo na rin sana ko pero may matulis na bagay akong naapakan,

"O-Ouch!", ungot ko at nung pag angat ko ng paa ko ay nanlambot ang tuhod ko dahil may nakatusok na barbecue stick sa talampakan ko,

"What are you doing there? Do you think you're waterproof?!", singhal ni Yoongi na medyo malayo na sakin,

Pumikit ako at hinila yung stick na nakatusok sa paa ko, lintik ang sakit nun, naramdaman ko na rin ang pag agos ng pulang likido galing dun.

"Ya!", sigaw ulit ni Yoongi, lumalakas na ang ulan at basang basa na kami,

"I-I can't walk". Kahit nasa malayo ay nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya,

Nagtatakbo siya pabalik sakin at nanlaki pa ang mata ng makitang nagdudugo ang talampakan ko,

"Anong nangyari dyan?!", singhal nito at nakita naman agad niya yung stick sa tabi ng paa ko at padabog pa niyang sinipa yun dahilan para tumalsik sa malayo,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Where stories live. Discover now