Chapter 1 Girl Next Door

19.2K 625 347
                                    

"And when you find her, you fight for her. You risk it all, you put her in front of everything. Your love... your life... everything."


Ramjen POV


Pagtilaok pa lang ng manok ay agad na akong nagising. Naghihikab na bumangon ako mula sa kama tsaka nag-inat. Tiniklop ko muna ang kumot at inayos ang hinigaan bago lumabas ng kuwarto. Nagtungo ako sa kusina para magmumog.

"Magandang umaga ho, lola." Inaantok pang bati ko sa aking abuela na nakaupo sa harap ng pang-apatang lamesa habang sinasagot ang cross word puzzle sa diyaryo at nagkakape.

"Magandang umaga din, Ramjin." Bati niya ngunit sa diyaryo naman nakatingin ng hinalikan ko siya sa noo.

"La, 'Ramjen' ho." Pagtatama ko.

Ngunit binalewala lang niya ang sinabi ko. Nilapitan ko ang noo'y naglulutong si Josua. Anak siya ng tito ng tito ko sa pangalawa nitong asawa. Ano ko siya? Ah, bahala na kayo mag-isip. Dito na siya nakatira sa amin simula ng maulila. Ayos lang naman sa amin iyon ni lola dahil dadalawa na lang kami dito sa bahay. Wala na ang aking mga magulang.

"Morning, 'tol." Bati nito sa akin habang abala sa paghalo sa sinasangag na kanin.

"Morning din." Balik ko sa kanyang pagbati. "Mukhang masarap ah." Sabay langhap sa niluluto nito. Ang galing kaya nitong magluto.

"Ako pa?!" Mayabang na tugon niya. "Chef 'to, hindi mo ba alam?!"

Nakangising pabiro ko siyang sinuntok sa braso bago nagtungo sa banyo para mag-toothbrush. Naghilamos na din ako ng mukha tsaka sinipat ang aking mukha sa may kaliitang salamin.

"Ang guwapo ko talaga." Sabay himas sa aking baba habang nagpapa-cute na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

Lumabas muna ako sa likod ng bahay para tignan ang mga pananim kong gulay. Sari-saring gulay. May talong, upo, kamote, sili at kung ano-ano pa.

Ngunit natigilan ako ng mapansin ang pananim kong sili. Patubo pa lang ang mga ito. Maang na naglakad ako papalapit dito. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansing lanta na ang mga ito at bakas pa ang tila paa ng hayop na umapak dito.

"Titirisin ko talaga ang may gawa nito." Nanggigigil na sabi ko.

Apakan na nila ang lahat, guluhin na nila ang lahat huwag lang ang pananim ko. Kung hindi - hay naku! Sinasabi ko, magtago na ang may-ari ng hayop na 'yon! Aba! Ilang beses na ba itong nangyari pero pinalampas ko lang dahil baka kako may naligaw lang na hayop. Pero ang ulitin pa ito ay ibang usapan na.

Mapanuring sinundan ko ang mga bakas ng paa ng may salarin. Panay ang litanya ko sa kung sino man ang mapagpabayang may-ari nito.

Kahol ng aso ang sumalubong sa akin ng makarating ako sa kabilang bahay. Isang bahay na gawa sa kawayan - modernong klase ng bahay kubo. May mga pananim na namumulaklak na halaman sa bandang kanang harapang bahagi ng bakuran. Nakakamangha ang itsura at ganda nito. Halatang yayamanin ang may-ari.

Literal na napaatras ako nang mabagal na naglakad patungo sa kinatatayuan ko habang tumatahol ang malaking aso na may itsurang kambing dahil sa balahibo at uha ng katawan. Agad kong napansin ang mga paa nitong maputik. Naningkit ang mga mata ko kapagkuwan. Hindi ako magpapatalo sa takot. Kahit malaki ang asong 'to, mas malaki ang kasalanan niya sa mga pananim ko!

"Tao po!" Malakas na pagtawag ko. Nilakasan din ng aso ang pagtahol nito. "Tao po!"

Naghintay ako ng ilang sandali ngunit wala pa ring lumalabas mula sa naturang bahay. Panay pa rin sa pagtahol ang aso. Hindi naman ito lumalapit sa kinatatayuan ko, sa bukana ng nakabukas na gate.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon