Chapter 16 See You Again

10.6K 731 280
                                    

"I miss you more than the sun misses the sky at night. I miss our talks, I miss our laughs, I miss us spending time together, but in the end, I only miss you. I keep myself busy with the things I do. My heart won't let you go, and I need you to know, I miss you."


Kreme POV


"Gabrielle." I silently breathe out the word. "It's nice to see you again."

Just seeing her once again makes my heart jump out of its rightful place. Parang nagso-somersault ang tiyan ko ng mga sandaling iyon. At ang paghinga ko... parang na-trapped na sa aking lalamunan.

Hindi nakaligtas sa akin ang ginawa niyang paghagod ng tingin sa kabuuan ko habang magkaharap kaming nakatayo. Ilang hakbang lang ang layo ko sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang bahagyang pag-angat ng gilid ng kanyang labi at ang nang-uuyam niyang tingin. She seems... different. In all aspect. Mula sa kanyang hair cut, though curly and long pa rin ito, sa ayos niya, hindi na siya ang dating Gabrielle na simple lang kung magdala ng damit, naka-makeup na rin siya ngayon. She became sophisticated and classy. She has changed... in a good way though. Parang nag-iba rin ang kanyang aura.

Or it's just me?

"Kreme." Pormal ang mukhang bigkas niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang may nahimigan akong pagkadisgusto sa kanyang tinig.

Nakatitig siya ng diretso sa mga mata ko. She's not the same Gabrielle I've been with for several months. Ang unang babaeng nahalikan ko, nakaniig ko, at unang babaeng inibig ko.

"You look..." I suddenly became speechless in front of her. "... different. I mean... more beautiful."

"Thanks." Kulang na lang ay taasan niya ako ng kilay. "Buti umuwi ka?" Sarkastiko niyang tanong. "Akala ko nga pinagtataguan mo ako."

"What?!" Hindi ko napigilan ang kaba sa aking pagtawa ng marahan. "No. Who told you that? And why would I?"

She confidently crosses her arms across her chest and shifts weight to her left foot. "I don't know." Kibit-balikat niyang sagot. "Kaya nga tinatanong ko sayo, hindi ba?"

"Uhm." Sabay eksaheradang napatikhim si Asher na nasa likod ko kasama sina Brook at Harper.

"O, nandiyan pa pala kayo." Sarkastikong sabi ko sabay tinitigan ng makahulugan ang mga kasama kong dumating. Wala pa rin sina Lauren at Ramjen.

"Ate Gabrielle." Nakangiti ng tipid na bati ni Harper sa kanya tsaka lumapit dito at hinalikan sa pisngi. "Ba't nandito ka sa labas? Where's Krum and kuya Finn?"

"Nasa loob kasi ang mga lola niyo." Muntik ng tumaas ang kilay ko ng biglang nag-iba ang pakikitungo niya kay Harper kumpara sa pakikitungo niya sa akin.

"Where's Krum?" Tanong ko kay Gabrielle ng hindi niya sinagot ang tanong ni Harper tungkol sa mag-ama.

"Kasama ni Finn." Maikling sagot niya. "Gusto kang makita ng bata."

"Oh." I mumble. "At least may isang nilalang na sabik akong makita."

"Okay, guys." Singit ni Brooklyn ng maramdaman siguro nito ang tensyon sa pagitan namin ni Gabrielle. "Pumasok na kaya tayo sa loob? Para na rin makita ka ni lola Ana." Sabi niya sa akin.

"Hindi pa kayo pwedeng pumasok." Pigil sa amin ni Gabrielle ng bubuksan na sana ni Brook ang pinto. Natigilan kami at napatingin sa kanya. "May pinag-uusapan yata silang importante. Kaya nga nasa labas ako."

"Gano'n ba?" Napakamot sa batok si Brook. "Magkape na lang muna tayo sa cafeteria."

"Good idea!" Segunda ni Asher. "Join us." Aya niya kay Gabrielle.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now