Chapter 21 Baby's Day Out

12.2K 710 180
                                    

"You know it's love when all you want is that person to be happy, even if you're not part of their happiness."


Kreme POV


"Mommy, where are we going?" Curious na tanong ni Krum sa akin habang nagmamaneho ako patungo sa aming destinasyon.

Nasa backseat siya habang si Gabrielle naman ay tahimik na nakaupo sa frontseat. Honestly, masaya ako na sumama siya. Hindi lang dahil gusto ko siyang makasama, kundi para kahit saglit lang sa tana ng buhay ko ay maranasan kong lumabas kasama sila ni Krum... parang family bonding. Though in reality, we're not really a family. I mean, I am not part of their little family.

Masakit, lalo na't nasabi niya sa akin na mag-move on na kaming dalawa sa kung anuman ang namagitan sa amin noon. Na kalimutan na lang namin para sa ikabubuti ng pamilya nila... ng pamilya Montalban.

But at least, medyo okay na kami kahit papaano. Hindi ko rin inasahan na mangyayari iyon kaninang umaga. Aksidente ang nangyari. Hindi ko plinano, hindi ko in-expect at mas lalong hindi ko sinasadyang mahalikan siya sa harapan mismo ng aming pamilya. Fortunately, wala naman yatang nakapansin doon.

"Stay put, sweetheart." Masuyong saway ko sabay sulyap sa kanya sa rearview mirror. "Baka  bigla akong mag-preno."

"Tell me first, mommy." Pangungulit niya.

"Krum," Hindi na nakatiis na saway ni Gabrielle sa bata. "Makinig ka sa sinasabi ng mommy mo."

Napasulyap ako sa kanya at bahagyang ngumiti sa kanya bilang pasasalamat ng saglit niya akong tinapunan ng tingin.

Nakalabing umayos ng upo si Krum sa backseat at hindi na muling nangulit. Napangiti ako. Naisip ko kasi kung gano'n din ba si Gabrielle noong bata siya. Kung makulit siya at napapalabi sa tuwing mapagsasabihan o sasawayin ni nay Leonor.

"Ba't nakangiti ka diyan?" Tanong ni Gabrielle.

"Hmm?" Nabibiglang nagbaling ako ng tingin sa gawi niya.

Ngayon lang kasi niya ako kinausap, directly. At aaminin kong, medyo tumalon ang puso ko. Medyo lang naman.

"Wala." Bawi niya tsaka nagbaling ng tingin sa harap.

Nangingiti pa ring napailing-iling na lang ako. Though we're not together anymore, I know her better than anybody else. Alam kong hindi rin siya makakatiis na di magsalita. Yes, I know she's mad at me, she hates me. Pero kilala ko si Gabrielle, she's kind and sweet.

Are you sure she's the same Gabrielle that you used to know? Tanong ng aking inner self.

Whatever. Ganting sagot ko sa aking isipan. Ayokong masira ang araw na 'to. Gusto kong mag-isip ng positibo ngayong araw. And maybe Gabrielle was right. Kailangan na naming mag-move on para kay Krum. Move on means, maging civil sa isa't isa. Not the other way around.

Hay naku, huwag na nga muna 'yon ang isipin ko. Gusto kong maging masaya lang ngayong araw, lalo na't makakasama ko si Krum... and of course, Gabrielle.

"Wow." Mahinang bigkas ni Krum ng papasok kami sa daan patungo sa amusement/theme park na matatagpuan dito sa Sta. Rosa, Laguna.

Saktong bukas na ang naturang parke ng dumating kami at nagsimula na silang magpapasok ng mga mamamasyal sa loob.

"Mommy, is this the Philippine's version of Disney Land?" Namamanghang tanong ni Krum habang nakatingin sa malaking statue ni Eldar.

Napatingin ako kay Gabrielle bago sinagot ang tanong ni Krum. Nagkibit-balikat siya.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon