Chapter 9 Code: The Subject

9.4K 477 251
                                    

"We are imperfect, but our love is true and makes everything perfect. There are few things I care about more than life, one of them if love and the other one is you."


Ramjen POV


"Galingan mo namang kumanta, 'tol." Pasimpleng bulong ko kay Josua habang abala akong nag-i-strum sa dala naming gitara at nakangiting nakatingin sa masungit na mukha ni Kreme. "Nandiyan na si Krema."

Tumingin lang si Josua sa akin tsaka muling nagbaling ng tingin kay Princess. Ang lakas talaga ng tama nito sa huli.

Kaninang umaga pa niya ako kinukulit na samahan siyang umakyat ng ligaw kay Princess. Noong una hindi ako pumayag dahil nahihiya ako. Pero di kalaunan ay napapayag na din daw niya ako. Para na din daw sabay kaming umakyat ng ligaw sa magkaibigan. Siya kay Princess at ako naman kay Krema este Kreme. Sabi pa niya, it's like hitting birds with a stone.

Napangiwi ako sa naisip. Gano'n ba ang sabi niya sa akin kanina? Tsk, basta may bird tsaka stone. Di ba ang pantira naman sa ibon kapag titiradurin e bato? Gano'n na rin 'yon!

Napangiti akong muli ng mahagip ng tingin kong nakatingin sa gawi ko si Kreme. Napapansin na niya ako. Pero agad din itong nagbawi ng tingin, may kasama pang irap! Hmp, ang sungit talaga ng crush ko. Kapag napasagot ko siguro siya at naging kami, mukhang ngayon pa lang naghahanda na ako. Paniguradong under-standing ako buong buhay ko.

"'Tol!" Sabay sikong bulong sa akin ni Josua.

Hindi ko ito pinansin. Inabala ko ang sarili sa pagtitig kay Kreme habang patuloy pa rin sa paggigitara.

"'Tol." Kinalabit niya ako sa balikat.

"Shh." Saway ko.

Natigilan ako ng bigla akong makaramdam ng mahinang pagbatok. Maang na napatingin na ako kay Josua. Nakuha na niya ang atensyon ko!

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Asik ko dito.

Napangiwi siya. "Tapos na kasi akong kumanta, naggigitara ka pa rin diyan na parang timang." Sabay nahihiyang napasulyap sa magkaibigan.

"Ha?" Wala sa sariling bigkas ko.

"Gusto niyo bang pumasok?"

Halos sabay pa kaming nagbaling ng tingin kay Princess ng magsalita ito. Halata sa mukha nito ang kilig na nadarama.

"What?" Mukhang ikinagulat naman iyon ni Kreme at maang na napatingin kay Princess.

"Sige na, papasukin na natin. Sayang naman 'yong effort nila." Narinig kong pabulong na tugon niya kay Kreme.

Mababa lang naman kasi ang front porch nila kaya dinig namin ang usapan nilang magkaibigan. Buti nga at nakabukas ang gate nila kanina kaya nakapasok kami ni Josua, himalang wala din ang bantay nilang aso.

Nakasimangot na napahalukipkip si Kreme. "Buti sana kung sa tono sila parehas." Narinig naming sabi ni Kreme.

O sinadya niyang iparinig sa amin ni Josua?

Napatingin ako kay Josua. Nakangiwi itong napapakamot sa ulo habang nakayuko. Siniko ko siya kaya nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Ikaw kasi." Paninisi ko sa kanya. "Sabi ko ng mag-practice ka kanina e."

"Nag-practice naman ako." Nakangiwi pa rin niyang tugon.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa loob ng banyo." Sagot niya.

Siya naman ngayon ang binatukan ko ng mahina. "Ipinapahiya mo pa ako sa crush ko e."

"Pumasok muna kayo." Aya ni Princess sa amin.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now