Chapter 5 Searching...

10.1K 486 163
                                    

"A man travels the world over in search of what he needs, and returns home to find it."


Kreme POV


"Baka uuwi ako this weekend sa amin." Hayag ni Princess habang pauwi kami, isang gabi ng Huwebes.

"Okay." Simpleng sagot ko sabay nagkibit-balikat.

"Baka gusto mong sumama? Wala ka namang gagawin this weekend?" Tanong niya.

"You know that I can't go with you, Princess." Sagot ko habang nakatutok ang atensyon sa daan. "Alam mo na kung bakit."

"Hindi ka naman siguro makikita ni Aling Leonor." Tugon niya.

"Mas mabuti na ang nag-iingat ako kaysa sa magsisi ako in the end." Katwiran ko.

"So, magtatago ka na lang dito habang buhay?" May pag-aalala sa kanyang tinig. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. "Kreme, hindi mo mapagtataguan ang pamilya mo ng matagal. Isa pa, pamilya mo pa rin sila kahit pa anong ginawa nila o kasalanan nila sayo."

"You don't know what you're saying, Princess." Kontra ko. "You don't know them."

"'Yon na nga. Hindi ko man sila kilala, pero alam kong mahal na mahal ka nila." Saad niya.

Mangangatwiran pa sana ako ngunit isang malakas na pagputok ang nagpatigil sa akin. Kapwa kami nagulat ni Princess ng bigla na lang gumewang-gewang ang pagtakbo ng sasakyan. I almost lost control of the steering wheel. Buti na lang at nakabig ko pa ito patungo sa gilid ng kalsada. Ang dilim pa naman dito.

"Ano 'yon?!" Nahintatakutang tanong niya.

"Pumutok 'yong gulong." Nakangiwing sagot ko.

"Ano?!" Nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

Nagtanggal ako ng seatbelt para matignan ang naturang pumutok na gulong. Buti nga at hindi kami napa'no ni Princess.

"Kreme!" Sabay pigil niya sa akin sa braso. "Huwag ka ng bumaba! Ang dilim-dilim o!" Sabay napatingin sa labas ng sasakyan.

"E ano'ng gagawin natin? Tutunganga tayo dito? Mapapalitan ba natin 'yong gulong?" Maang na tanong ko.

"Hindi." Tugon niya at bahagyang niluwagan ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Marunong ka bang magpalit?"

Napangiwi ako. "Hindi nga e." Sagot ko.

"Ayon naman pala e! Huwag ka ng bumabas -"

Naririnding nagtakip ako ng tainga. "Hindi mo ba pwedeng hinaan ang boses mo?" Pinandilata ko siya. "Tsaka hindi tayo makakauwi kung hindi natin susubukang palitan ang tire nito."

"Natin?" She quote.

"Yes. Natin." I emphasized the last word.

Napakamot ito sa ulo. "Ano ang alam ko sa pagpapalit ng gulong? Ni boyfriend nga wala ako e." Maang na napatingin ako sa kanya. "Ano'ng konek? Wala. Share ko lang."

"Ewan ko sayo." Bigkas ko bago bumaba ng sasakyan. Sa likod na kaliwang bahagi ng sasakyan na gulong pala ang na-flat.

"Aww..." Bigkas ni Princess ng makababa at makita rin ang nangyari. "Parang dibdib ko lang, flat."

Maang na namang napatingin ako sa kanya tsaka mabagal na napailing-iling pagkatapos. Kailan kaya 'to magseseryoso?

"Ano'ng gagawin natin?" Nag-aalalang tanong niya sa akin kapagkuwan.

"Wala bang towing company dito?" Tanong ko sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko, wala e." Nakangiwing tugon niya. "Paano na 'yan?"

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now