Chapter 17 You're Here

11.6K 666 175
                                    

"I wasn't looking for anything when I found you and it somehow made me question what I wanted, was I ready for love? I don't think anyone is ever ready, but when someone makes you feel alive again it's kind of worth the risk."


Gabrielle POV


"Gab."

Parang walang naririnig na nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang nasa biyahe na kami ni Finn pauwi sa bahay nina mama Hailey.

"Gabrielle." Muling pagtawag sa pangalan ko ni Finn.

"Hmm?" Kunot-noo at wala sa sariling sambit ko sabay nagbaling sa lalaking nasa likod ngayon ng manibela.

Nagtatanong ang mga mata niyang nagpapalipat-lipat ng tingin sa akin at sa kalsada. "What's wrong?" Tanong niya.

Naguguluhan sa tanong niyang napailing-iling ako. "Wala. Bakit?"

"I'm just worried." Saad niya. "Kanina ka pa tahimik diyan. Are you okay?" May pag-aalalang tanong niya.

Napangiti ako sa kanya ng tipid. "I'm fine." Tugon ko. "Okay lang ako, Finn."

Napabuntong-hininga siya. "Okay." Sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa kalsada.

Napatitig ako sa kanya. "Bakit pakiramdam ko na hindi ka naniniwala sa sagot ko?"

Parang nabibiglang nagbaling siya ng tingin sa akin. "What made you think that way?" Kunot-noong tanong niya.

Nagkibit-balikat siya. "Ramdam ko lang."

Natawa siya ng marahan sa isinagot ko. "What?" Nawewerduhang bigkas niya.

"Ewan ko sayo." Napaismid na muli akong nagbaling ng tingin sa labas ng bintana.

Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan. Napahugot ako ng hininga ng makitang nakasunod pa rin sa amin ang pulang sasakyan na kinasasakyan ni Krum. At walang ibang nagmamaneho kundi si Kreme.

Nang pauwi na kami galing hospital, mas pinili ni Krum na sumakay kay Kreme na ikinatuwa naman no'ng huli. Si Finn ang sumagot at sinabing okay lang para magkasama sila. Okay lang naman sa akin dahil masaya ang anak ko, pero...

"Don't over think, Gabrielle." Narinig kong sabi ni Finn kaya muli akong nagbaling ng tingin sa kanya. "Hindi itatakas ni Kreme ang bata."

"Hindi ko naman 'yon iniisip." Sabay napahalukipkip sa upuang tugon ko.

"Give her the benefit of the doubt." Saad niya. "Give her a second chance."

Makahulugan akong nagbaling ng tingin sa huling sinabi niya.

"What I mean is, to be a mom to Krum." Paliwanag niya. "She loves Krum too. And the kid really loves her. He's longing for my cousin too."

"At anong ibig mong sabihin sa huli mong sinabi?" Hindi ko napigilang magsungit.

"Woah! Woah!" Natatawang bulalas niya. "I'm not the bad guy here, sweetheart."

Napairap ako sa kanya. "Hindi ko naman ipinagkakait sa kanya 'yong bata e." Depensa ko.

"I know." Tugon niya sa malumanay ng tinig. "At alam kong masaya ka din para kay Krum, dahil finally, Kreme is here. Nakita at na-meet na niya ang kanyang other mom."

Hindi ako kumibo at diretso lang na nakatingin sa harapan.

"Do not dwell in the past." Pagpapatuloy niya. "And maybe, you and Kreme should talk things out. Remember Gabrielle, we are family."

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon