Chapter 3 Disturbed

11.1K 495 207
                                    

"Never be ashamed of how much you love or how quickly you fall. Love fully, love completely, but most importantly, love naturally - and don't you ever apologize for it. Don't be sorry for loving the way your heart knows."


Ramjen POV


"O, ba't bumalik ka din agad?" Nagtatakang tanong ni Josua ng nakasimangot akong pumasok sa loob ng bahay.

Natigilan ako sa gitna ng aming maliit na sala at napameywang. "Bumunot na ng sandata e." Hindi maipinta ang itsurang sagot ko.

Tinanggal niya ang toothpick na nakaipit sa kanyang bibig. "Ha?" Nagulat nitong bigkas. "May baril ba siya 'tol?" May halong takot na dagdag pa niya. "Sabi ko na kasi sayo e! Huwag mo ng puntahan. Ang tigas talaga ng ulo mo." Paninisi niya. "Paano kung nabaril ka no'n? Saksakan pa naman ng sungit." Sabay nagpunas sa mukha gamit ang tuwalyang nakasampay sa kanyang balikat.

Nawewerduhang napatingin ako sa kanya. "Ano'ng nabaril ang pinagsasabi mo diyan?"

Naguguluhang napatitig siya sa akin. "E sabi mo bumunot na ng sandata?"

"May sinabi ba akong baril?" Nawewerduhang sabi ko dito.

Napakamot ito sa ulo. "Linawin mo kasi 'tol."

Napapailing-iling na lang ako sa kanya. "Talak na ng talak e." Saad ko. "Ini-english na ako, di umalis na lang ako kaysa dumugo pa ilong ko sa harapan niya!"

Natawa si Josua ng malakas. "Wala ka na talagang panlaban doon, 'tol!"

"Tao po!" Natigilan kaming dalawa ng makarinig kami ng tinig mula sa nakabukas na pinto. May dala itong food keeper na nakalagay sa puting supot.

Awtomatiko akong napasimangot ng makita kung sino ang aming 'bwisita'. Tuluyan na talagang nasira ang araw ko.

"O, Jona, ikaw pala!" Nakangiting bati ni Josua sa bagong dating.

"Napadaan lang ako dito para dalhin 'tong niluto kong sinigang na baboy." Nakangiti ring sagot nito na bigla na lang pumasok sa loob ng bahay kahit di pa naman pinapapasok.

"Wow!" Takam na takam namang bulalas ni Josua. Siya na nga ang tumanggap ng iniaabot na supot ni Jona. "Mukhang masarap ah! Lalo na't mainit-init pa."

"Oo naman, masarap at mainit pa 'yan." Sagot nito. "Katulad ng pagmamahal ko kay Ramjen." Sabay malanding napangiti at napakurap-kurap sa akin.

Napangiwi ako dito at kunwaring nandidiri. "Tumigil ka nga, Jona." Saway ko. "Ang aga-aga e nambubwisit ka."

Awtomatikong nawala ang pagkakangiti nito at napanguso. Mas lalo tuloy niyang naging kamukha ang komedyanteng si Kakai Bautista.

"'To naman!" Kunwaring nagtatampong bigkas niya. "Sa ganda kong 'to, nabwibwisit ka?" Sabay napairap sa akin.

"Dadalhin ko na 'to sa kusina, baka mabulilyaso pa." Nakangising sabi ni Josua at iniwan na kami ni Kakai este ni Jona sa sala. Inakmaan ko pa ito ng batok ng ngumisi siya sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina.

"Ah, Ramjen, mahal -" Sabay lapit sa akin at hawak sa brasong bigkas ni Jona.

Mabilis pa sa alas kuwatrong lumayo ako dito. "Anak ng pusa naman Jona!" Bulalas ko. "Huwag mo nga akong hinahawakan!"

"Ang arte mo naman mahal -"

"Isa pa!" Nanggigigil na sabi ko. "Isa pang tawag mo sa akin ng salitang 'mahal' itatapon kita sa imbornal."

"Okay lang." Nakangisi pa nitong tugon na ikinakunot ng noo ko. "Di naman masakit. Basta ba gahasain mo muna ako -"

"Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan, tumatayo ang lahat ng balahibo ko sayo!" Nanlalaki ang mga matang putol ko sa sinasabi niya. "At tsaka anong gagahasain? Huwag kang nagbibiro ng ganyan dahil ang pangit pakinggan. Kahit sinong babae pa diyan, hindi deserve magahasa! Kahit pa kasing - hmp, huwag na nga lang."

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now