Chapter 26 Override

12.2K 806 252
                                    

"A person can love you deeply with their feelings and still not know how to love you correctly with their actions."


Gabrielle POV


"Mama, mama, wake up, wake up!" Sabay yugyog sa balikat kong panggigising ni Krum sa akin.

"Hmm..." Ungol ko ng protesta habang nakapikit pa.

"Mama, wake up!" Muling panggigising niya sa akin ng hindi pa rin ako nagmumulat ng mata.

Kaya naman napilitan na akong idilat ang aking mga mata at mabungaran ang guwapo niyang mukha. "Bakit ba, anak?" Tanong ko. "Ang aga mo naman yata ngayong gumising?"

"Mommy and I went out for a jog." Sagot niya.

Inaantok pang sinubukan kong bumangon. Nakapikit pa ang isang mata ng magbaling ako ng tingin sa orasan sa bedside table. Pasado alas siyete na pala ng umaga. Muli akong nagbaling sa batang nakaupo sa tabi ko. Noon ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng itim na jogging pants, kulay grey na jacket na hindi naka-zipper at nakasuot siya running shoes.

Napapaisip ako. Either pumasok si Kreme dito sa loob ng kuwarto habang natutulog pa ako o si Krum ang lumabas mismo ng kuwarto at nagkita na lang sila sa labas ni Kreme. May posibilidad na 'yong huli dahil iniwan kong naka-locked ang pinto kagabi.

"Mama, come on." Masiglang bumaba siya ng kama.

"Ba't ka ba nagmamadali?" Nagtatakang tanong ko habang mabagal ang kilos na bumaba na rin ng kama.

Hinila niya ako sa kamay ng makababa na ako ng kama at dinala ako sa loob ng walk-in closet.

"We will go swimming, mama." Sagot niya habang nahihirapang tanggalin ang suot na jacket.

Lumapit ako sa kanya para tulungan siyang tanggalin ito. "Swimming?" Nabibiglang tanong ko. "Saan? At sino ang kasama mo?"

Sunod niyang sinusubukang tanggalin ang suot na sapatos. Lumuhod ako sa harapan niya para ito naman ang sunod kong tanggalin.

"Sa swimming pool po." Tugon niya. "Si mommy Kreme."

"Hay naku, hindi pwede." Agad kong pagtanggi.

"Mama -"

"Masyado pang maaga?" Mabilis kong kontra sabay tumayo.

"Mama!" Nakangusong nagpapapadyak-padyak na siya sa harapan ko.

Hindi ko pinansin ang pagmamaktol niya at nagtungo sa hilera ng mga damit niya para kumuha ng pamalit niya.

"Mama, please?" Pakiusap niya habang pinapalitan ko siya ng damit.

"Krum, masyado pa ngang maaga." Pagpapaintindi ko. "Baka magkasipon ka niyan."

Hindi na siya sumagot pero mababanaag sa kanyang mukha ang sobrang pagkadismaya. Pagkatapos ko siyang mapalitan ay ako naman ang pumasok sa loob ng banyo para makapag-toothbrush at makapagpalit na rin damit. Mamaya na lang ako maliligo, naghilamos na lang muna ako.

Wala na si Krum sa loob ng kuwarto ng lumabas ako mula sa banyo. Naiwan niyang bukas ng konti ang pinto kaya alam kong lumabas na siya ng kuwarto. Napapailing-iling na lang ako.

Lumabas na rin ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Binati ako ng mga kasambahay na nadadaanan ko patungong kusina.

"Aww, I'm sorry, young man." Naabutan kong sabi ni Kreme sa katabi nitong si Krum habang nakaupo sila paharap sa center island. Pinapahiran ni Kreme ng tsokolateng palaman ang toasted bread na malamang ay kay Krum.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now