Chapter 32 Clash

10.9K 705 208
                                    

"Family isn't always blood. It's the people in your life who want you in theirs; the ones who accept you for who you are. The ones who would do anything just to see you smile and who love you no matter what."


Kreme POV


Kunot-noo at nalilitong lumabas ako ng kuwarto ng sabihin sa akin ng isa sa mga kasambahay na may emergency meeting daw ang aming pamilya ngayong umaga.

"What's going on?" Cluelss tanong ko kay Asher ng saktong padaan siya sa tapat ng kuwarto ko ng binuksan ko ang pinto.

Nagkibit-balikat siya. "I don't know." Tugon niya at kababakasan din ng pagkalito ang kanyang mga mata. "I was about to ask you the same thing." Tsaka ipinagpatuloy na ang paglalakad patungo sa library.

Natitigilan at napapaisip na isinara ko ang pinto mula sa likod at sumunod na kay Asher patungong library. Sandaling napahinto ako pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto. Natuon kasi ang atensyon at tingin ng lahat sa akin. Kumpleto na rin ang lahat at halatang ako na lang ang hinihintay.

Mabagal akong naglakad patungo sa couch sa gilid kung saan tahimik na nakaupo sina JC, Irish, Ryle at Harper. Naupo ako sa tabi ng kapatid ko.

"Ano'ng mayro'n?" Bulong kong tanong kay Harper habang nakagala ang paningin ko sa loob ng library.

Napakatahimik ng lahat kaya parang nakakahiya at ang awkward makagawa ng ingay. At pakiramdam ko ay may namumuong tensyon sa bawat isa. Hindi ko maintindihan pero gano'n ang pakiramdam ko.

Lalo na't nakikita ko ang tila problemadong itsura ni mamay Abby habang nakaupo ito sa likod ng mamahaling mesa. Nakatayo naman malapit sa bintana sina lola Alexandra, tita Taz at Brooklyn. Nakaupo naman sa isa pang couch malapit sa kinaroroonan ng malaking globo sina tita Jazmine, Cryler at Finn na akala ko ay umalis na kasama sina Gabrielle at Krum patungo sa Ilocos. Nakasandal naman sa pader habang nakahalukipkip ang mag-inang Asher at tita Ashley. Nakatayo malapit sa kinauupuan ni mamay Abby si mama Hailey, nakaupo naman sa harap ng lamesa sina tito Flynn, na hindi pa pala bumabalik ng Paris, at si lola Danielle.

Nakakapagtakang miyembro lang talaga ng Montalban - Gray ang nandirito at hindi kasali ang kanilang mga asawa.

"Malay." Narinig kong sagot ni Harper. "Hindi ba sayo kami dapat nagtatanong dahil ikaw ang nandito ate?"

"Huh?" Naguguluhang awtomatikong nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"Since everyone's already here," Panimula ni lola Dani at natuon ang lahat ng aming atensyon sa kanya. "Siguro mas makakabuting simulan na natin 'to ng matapos na."

"Tungkol ba saan ang meeting na 'to, lola?" Lakas loob na tanong ni Asher.

Si Asher at JC ang mas nakakatanda sa ikatlong henerasyon ng Montalban - Gray, pero mas nauna si Asher ng ilang buwan kaya technically siya ang pinakamatanda sa aming magpipinsan. Siya din, naturally, ang aastang leader o tagapamahala sa aming ikatlong henerasyon.

Makahulugang nagkatinginan sina mamay Abby, mama Hailey, si tito Flynn at lola Danielle. Tumango ng bahagya si tito Flynn kay mamay.

"Nagpatawag ako ng family emergency meeting dahil sa isang..." Pambibitin niya sabay tinapunan ng tingin si Finn na noon ay nakayuko lang. "... problema." She added underneath her breath.

Nahulog ang lahat sa nakabibinging katahimikan na para bang naghihintay na maihulog at sumabog ang bomba sa aming harapan sa anumang oras.

"Hinihingi ni Gabrielle ang kanyang kalayaan mula kay Finn." Hayag ni mamay.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon