Chapter 31 What I Want

11.8K 736 210
                                    

"I want someone who won't care that I'm incapable of sitting still, that I can't grasp the concept of cleaning and I refuse to be ladylike. Someone who realizes that half the decisions I make are usually ones I regret and I have the right to overreact at any given moment. I want someone who knows how completely insane I am and she wouldn't want me any other way."


Gabrielle POV


Sabi nila, eyes are the windows to the soul. Gusto kong maniwala sa kasabihang iyon, lalo na sa tuwing titingin ako sa kanyang mga mata. Mga matang napaka-expressive. Alam mo kung kailan nagsusungit, wala sa mood, masaya o may itinatagong suliranin o dinaramdam. Pero minsan, may mga pagkakataong ang galing niyang magtago. Minsan, marunong din siyang magbalat-kayong masaya siya kahit na sa totoo ay nasasaktan na siya. Kagaya ngayon...

Napapansin ko at nahuhuli ko ang paminsan-minsan niyang pagtapon ng tingin sa aking gawi. Mahahalata sa kanyang mga mata ang pagkadisgusto at lungkot at the same time sa nalaman.

"Ba't di na lang kayo mag-extend ng bakasyon?" Komento ni mama Hailey habang magkakasama kaming kumakain ng hapunan dito sa kanyang bahay.

"I'm not sure, tita." Tugon ng katabi kong si Finn pagkatapos niyang makainom ng tubig. "Besides, medyo matagal na rin naman po ang dalawang linggo naming paglalagi dito. Marami din kasi akong naiwang trabaho sa Paris."

"Sayang naman," May bahid lungkot na sambit ni mommy Stef. "Gusto pa sana naming makasama ng kahit sandali si Krum." Sabay sinulyapan ang abalang-abala sa pagkaing si Krum sa tabi ko.

"I'm sorry, tita." Hingi ng paumanhin ni Finn sa kanya. "Hayaan niyo po, if may free time kami next year, baka bumisita or magbakasyon ulit kami dito." May konting ngiting dagdag pa niya pagkatapos ay napasulyap siya sa akin.

Tipid na ngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanya. 'Yon naman talaga ang original plan, di ba? Pagkatapos ng two weeks, balik na kami sa Paris. Tapos na ang kasal na siyang alam kong main reason kung bakit kami umuwi dito.

"Isa pa, hindi pa naman kami aalis agad." Dugtong ni Finn. "Dadalaw pa muna kami sa Ilocos -" Sabay tapon ng tingin sa akin. "... ilang araw din tayo maglalagi doon, di ba?"

Saglit akong napasulyap sa katapat kong si Kreme na kanina pa tahimik bago sumagot. Para ngang kunwaring wala siyang naririnig na nagpatuloy lang sa pagkain.

"Three days." Maikling tugon ko kay Finn ng nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"At pagkatapos po, uuwi pa naman kami dito, tita." Pagpapatuloy ni Finn, inabala ko naman ang sarili sa pag-asikaso kay Krum. "After a day or two siguro saka kami babalik ng Paris."

"Kailan niyo ba balak pumunta ng Ilocos?" Tanong ni mama Hailey.

Napatingin sa akin si Finn na para bang sinasabi nitong ako na ang sumagot sa tanong ni mama Hailey.

"Bukas na po sana." Sagot ko.

"So, halos isang linggo na lang pala kayong maglalagi dito sa Pilipinas bago kayo babalik ng France?" Saad ni mama Hailey sa paraang mas pa ang nagkukumpirma kaysa nagtatanong.

"Yes -"

"Excuse me."

Natigilan at napatingin kaming lahat ng biglang magsalita si Kreme sabay mabilis na napatayo mula sa kinauupuan dahilan para makagawa ng ingay ang gawa sa kahoy na upuan. Pagkatapos niyang mag-excuse ay tumalikod na siya at naglakad papalabas ng dining room.

"Problema no'n?" Kunot-noong komento ni mama Hailey.

Parang nag-aalalang napatingin si mommy Stef sa asawa. Lihim naman akong napabuntong-hininga.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now