Chapter 35 Walk Me Home

11.1K 670 83
                                    

"Family is one of the most important, if not the most important thing in our lives. Taking time every day to appreciate your loved ones for all that they do helps us to reconnect as a family. You don't choose your family. They are God's gift to you, as you are to them."


Gabrielle POV


"Finn?" Bigkas ko habang nakatitig sa kanyang mukha.

"Hmm?" Tugon niya ngunit nananatiling nakatanaw pa rin sa paligid.

"Gusto ko na sanang makipag-divorce sayo." Walang kagatul-gatol na hayag ko.

Nabibiglang mabilis siyang nagbaling ng tingin sa akin. Lihim naman akong napabuga ng hangin. Pilit na pinapalakas ang kalooban.

Wala na 'tong atrasan.

"W-what?" Nauutal niyang tanong. "Can you say it again? Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakadinig ko."

Napalunok ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. Sa totoo lang, nasasaktan akong makita ang sakit sa kanyang mga mata, pero hindi ko na kaya pang magpanggap na masaya na ako, na kontento na ako sa pagsasama naming dalawa. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko na okay na ang buhay ko sa piling niya.

"Gusto ko ng makipaghiwalay." Pag-uulit ko. Napaawang ang kanyang mga labi ngunit walang kahit na anumang salitang namutawi mula sa kanyang bibig. "I'm sorry, Finn." Sabay nagbaba ako ng tingin. Hindi ko matagalang tignan siya sa kanyang mga mata, knowing na nasasaktan ko siya ngayon.

"Why?" Tanong niya.

Napahugot ako ng malalim na hininga bago nag-angat muli ng tingin sa kanya. "Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko." Sagot ko. "Mahal kita, Finn. Bilang kaibigan at bilang ama ng anak ko. Pero hindi ako masaya." Napakurap-kurap siya sa sinabi ko. "Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko na okay na ako dahil buo ang pamilya natin. Sa loob ng mahigit dalawang taon nating pagsasama, pinilit ko, ginawa ko ang lahat, Finn. Sinubukan kong mahalin ka ng higit pa doon pero hindi ko talaga kaya. Hindi talaga pwede."

Napalunok siya. "Bakit hindi pwede?"

Nagbaling ako ng tingin sa malayo. "Dahil may nilalaman na ang puso ko."

Ilang sandaling namayani ang katahimikan.

"Is it Kreme?" Tanong niya. "At siya rin ba ang dahilan kung bakit mo hinihingi sa akin ngayon ang iyong kalayaan?"

Nagbaling ako ng tingin sa kanya. Napailing-iling ako. "Hindi siya ang dahilan kung bakit gusto ko ng makipaghiwalay sayo." Sagot ko. "Gusto ko 'tong gawin para sa sarili ko. I owe it to myself, Finn. Two years wasn't easy for me."

Tinitigan ko niya ako sa mga mata. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Seryoso ang mukhang saad niya.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. "A-ang alin?" Nauutal ko pang tanong.

"Si Kreme ba?" Tanong niya. "Ang pinsan ko ba ang laman ng puso mo?"

Lihim akong napapasinghap. Gusto kong sagutin ito ng oo, siya ang nilalaman ng puso ko, na mahal ko na siya noon pa man. Pero naisip ko na baka sugurin niya ito ngayong dis oras ng gabi. Natatakot ako na baka mag-away sila. Ngunit naisip ko din na eventually ay malalaman din niya iyon. Pero sana huwag muna ngayon, dahil baka nga mag-away silang magpinsan.

"Siguro ay mas makabubuting sa akin muna 'yon ngayon." Ang tanging naisagot ko. "Malalaman mo din naman kung sino e."

"Then bakit hindi pa ngayon?" He demanded.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon