Chapter 34 Love is Tragic

11.2K 686 117
                                    

"There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing throbbing moment."


Kreme POV


"Sana po bigyan ninyo ng pagkakataong mamili si Gabrielle. Bigyan sana ninyo siya ng layang magdesisyon para sa kanyang sarili." Tugon ko.

Hindi siya sumagot o nagbigay ng indikasyon na sasagot siya, ngunit mataman naman ang mga titig niya sa akin. Mga titig na nakaka-intimidate.

"Please, mamay." Pakiusap ko. "Sana po ibigay ninyo 'yon sa kanya."

"Para ano?" Nanunukat niyang tanong. "Para piliin ka niya?"

Ibinuka ko ang aking mga labi para sumagot ngunit parang biglang naging mailap ang salita sa aking bibig.

"T-that's not what I mean." Mahinang sagot ko. Napahugot ako ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "Hindi dahil sa gano'n kaya hinihingi ko at nakikiusap ako sa inyong bigyan ninyo siya ng pagkakataong piliin ang kung anong makakapagpasaya sa kanya, kundi karapatan niya iyon." Saad ko. "May karapatan din siyang mamili sa kung ano ang makakabuti sa kanya, hindi po ba?"

Napadiretso siya ng tayo at mabagal na naglakad papalapit sa akin. "I admire your guts, lady." Sabay tinapik-tapik ako sa balikat. "Pero hindi ako ang magdedesisyon sa bagay na iyan." Muli siyang tumalikod at umikot pabalik sa dating kinauupuan, sa likod ng lamesa.

Ako naman ngayon ang lumapit sa mesa at idinantay ang dalawang palad sa ibabaw nito. "Bakit kailangang may magdesisyon sa bagay na iyon, mamay?" Bahagyang napataas ang boses ko. "It's her goddamn life!" Sabay napatayo ng diretso at mosyon ng aking mga kamay.

"Are you questioning us?" Seryoso ang mukhang tanong niya.

"Yes." Puno ng determinasyong sagot ko. "But not you, exactly. Kundi ang binuo ninyong mga panuntunan para sa pamilyang ito."

"Bago ka pa ipinanganak, nandiyan na ang mga panuntunang isinusuka mo." May bahid ng pananaway ang kanyang tono. "So how dare you question us?"

Hindi ako agad nakatugon ngunit mataman akong nakatitig sa kanya. "I'm sorry but I'm beginning to hate this family." Saad ko. "Hindi natin palaging maipipilit ang gusto natin sa isang tao just because we thought they want it too, but in reality, they don't. Hindi porke't isa tayong Montalban may karapatan na tayong diktahan kung ano ang makakapagpasaya para sa isang tao." Mahabang dugtong ko. Napailing-iling ako. "People think we're goddesses and they should adore us but actually, we're monsters in our own way."

"Hindi magiging ganito katibay at katatag ang samahan ng ating pamilya kung wala ang mga panuntunang ginawa namin noon ng mga lola mo." Sagot niya. "Sana isipin mo din na ang mga ito'y ginawa namin hindi lang para paboran ang iisang tao o miyembro ng pamilya, kundi ang lahat ng konektado dito."

Napailing-iling ako na para bang nakikinita ko ng mabibigo ako sa gusto kong mangyari at sa ipinaglalaban ko.

"Walang perpektong pamilya, Kreme." Pagpapatuloy ni mamay sa malumanay ng tinig. "Kagaya ng wala ring perpektong pagmamahal."

Dahan-dahan akong napabuga ng hangin bago naglakad patungo sa malaking globo na nasa bandang gilid. Maingat ko itong pinaikot ng mabagal na para bang may hinahanap ngunit sa totoo lang ay wala doon ang aking isip.

"When I first met Gabrielle," Panimula ko. "I knew that very moment that she's going to be a part of my life. That she's going to change me."

"I actually felt that too," Segunda ni mamay. "Pero hindi sa una naming pagkikita ng lola mo, kundi noong hinalikan niya ako." Dugtong niya at ng lumingon ako sa kanya ay nakita ko ang kanyang bahagyang pagngiti sa pagbabalik tanaw sa nakaraan.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα