Chapter 30 On the Wings of Love

12.1K 700 112
                                    

"The way to heaven is within. Shake the wings of love - when love's wings have become strong, there is no need to trouble about a ladder."


Kreme POV


Ang gaan ng aking pakiramdam paggising ko kinabukasan. 'Yong pakiramdam na bigla ka na lang mapapangiti kapag may naalalang maganda, o di kaya naman ay biglang matitigilan tsaka tatawa kapag sa tingin mo mukha ka ng tanga? O di kaya naman 'yong pakiramdam na para kang naglalakad sa ibabaw ng mga ulap. Na para bang anumang oras ay mag-i spread ang pakpak mo at lilipad ka sa alapaap.

Aww, my G! Mukha na ba akong nababaliw? O di kaya naman ay tanga?

Anyways, kahit ano pa 'yan, ang importante ay masaya ako ngayon. Gabrielle and I were okay. I mean, not okay, okay. Arrgghh! Magulo pa rin.

Hmp! Whatever! Basta masaya ako, period. Huwag ng lagyan ng rason pa kung bakit ako masaya ngayon baka may uusbong na negative counter-reason nito. Masaya ako, masaya ako, 'yon na 'yon.

"Ate Kreme?"

"Hmm?" Wala sa sariling tugon ko sa pinsan kong si Irish ng makasalubong niya ako sa hallway ng resort patungo sa dining area kung saan naka-reserved sa aming pamilya para sana mag-agahan.

Nahihiwagaan at kunot-noong napatitig siya sa akin na para bang may dumi ako sa mukha. Awtomatiko tuloy akong napahawak sa aking magkabilang pisngi.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko habang pinupunasan ang pisngi.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang natural ng mapupulang labi tsaka napailing-iling. "Wala, ate." Sagot niya. "Iba lang kasi ang aura mo ngayong umaga. Para bang may bago sayo. Napaka-blooming mo at... basta, iba ang ganda mo ngayon."

"Ano ka ba, Irish?" Kunwaring bigkas ko sabay kumpas ng kamay. "Dati na akong maganda. Alam mo namang hindi uso sa pamilya natin ang salitang 'pangit'." Mayabang ko pang dagdag.

Natawa siya sa sinabi ko na umabot sa kanyang kulay berdeng mga mata. "Okay?" Patanong niyang tugon.

Nakangiting napaikot ang aking mga mata. "Aren't you going to join us for breakfast?" Naalala kong tanong. "O tapos ka na?"

"Sasabay," Sagot niya sa nauna kong tanong. "May babalikan lang ako sa kuwarto." Sabay turo gamit ang hinlalaki sa kanyang likuran, as if nasa likod lang niya ang kuwartong inuukopahan.

"Alright." Tugon ko.

Nagpaalam na siya sa aking tutuloy na sa kanyang kuwarto at ako naman ay tutuloy na rin patungo sa dining area.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang loob mula sa labas ng malaki at malawak na open nipa hut na siyang nagsisilbing dining area for special guests ng resort. Halos nandoon na ang lahat.

"Good morning!" Masiglang pagbati ko sa kanilang lahat ng pumasok ako sa loob.

Kanya-kanyang pagbabalik bati ang mga pinsan ko, kasama na ang mga bagong kasal na kahit puyat ay halata ang saya at pagmamahal nila para sa isa't isa sa kani-kanilang mga mukha.

"Good morning po." Bati ko sabay halik sa pisngi ng aking mga abuela, kabilang na sina lola Danielle at Camille, lola Alexandra at Arabella, at kina lolo Chase.

Halata rin ang puyat at pagod sa kanilang mga mukha pero hindi maikakaila ang saya at tuwa na nararamdaman nila sa kanilang mga mata dahil sa muling pagkakasama-sama ng aming may kalakihan ng pamilya. Hindi nakauwi ang pamilya ng kapatid ni lola Dani na si lolo Sean dahil kagagaling lang ng asawa nito sa sakit. At hindi na pinayagang bumiyahe dahil sa katandaan nito.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon