Chapter 36 Judgement Day

10.9K 609 141
                                    

"Selfless love is always costly; fear can't afford it, pride doesn't understand it and friends never forget it. To me love is passionate, it is honest, and it is selfless. Love is willing to completely give up your life for someone, to make sacrifices and put them first."


Kreme POV


Ilang oras ng nakahiga sa kama, nakatulalang nakatitig sa kisame... nag-iisip. Kapagkuwa'y napapabuntong-hininga at pagkatapos ay isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi.

Bumangon na ako sa kama at nagpasyang pumasok na sa loob ng banyo. Napatitig ako sa aking repleksyon sa salamin pagkatapos kong mag-toothbrush.

"It's going to be a great day, Kreme." Kausap ko sa sarili habang nakatitig sa repleksyon ko. "Claim it. Believe in it." Tsaka napangiti ng tipid bago pumasok sa loob ng shower room.

Kailangan kong maghanda... I mean, ihanda ang sarili ko sa anumang posibleng mangyari ngayong araw.

Today... is the judgement day.

Kinakabahan ako, pero ayokong magpatalo dito, lalo na sa takot sa puso ko. Ang daming what ifs ngayon sa utak ko pero ni isa ayokong i-entertain. Gusto kong maging positibo lang ngayong araw.

Lumabas ako ng kuwarto na iyon ang nasa isip ko. Bababa na sana ako ng hagdan ng mahagip ng aking pansin si Gabrielle na nakatayo sa balkonahe habang kausap ang may katandaan ng babae. May iniabot pa nga siyang pera sa kausap. Napansin ko ang pagkaaburido sa kanilang mga mukha kaya napakunot-noo ako. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit sa kanila.

"Gabrielle?" Bigkas ko.

Parang ikinabigla nila ang pagdating ko.

"Sige na, aling Bebang." Sabi niya sa kausap tsaka tinignan ito ng makahulugan.

Parang nagmamadaling umalis ang tinawag niyang aling Bebang. Nakasunod ang tingin naming dalawa sa matanda hanggang sa pumasok ito sa loob ng kuwartong ginagamit nina Gabrielle at Krum.

Kunot-noong nagbaling ako ng tingin kay Gabrielle na nakatingin pa rin sa kung saan nagtungo si aling Bebang. May pag-aalala sa kanyang mga mata.

"What was that?" May simpatyang tanong ko.

"Ha?" Parang disoriented na nagbaling siya ng tingin sa akin.

"May problema ba?" May pag-aalalang tanong ko sa kanya.

Napailing-iling siya kasabay ng pagbitaw niya ng malalim na pagbuntong-hininga. "Wala." Sagot niya tsaka nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.

Kapansin-pansin ang pagiging restless niya. Kaya naman nag-aalalang hinawakan ko siya sa braso at agad naman siyang muling nagbaling ng tingin sa akin.

"Gab, are you okay?" Malumanay kong tanong.

Napalunok siya. "N-natatakot ako." Parang naiiyak ng sabi niya.

My heart goes out to her. Agad kong ikinulong ang kanyang mukha sa aking mga palad. "Don't be scared." Sabi ko. "I'm here. I'll always be here."

"Kreme..." Mahinang bigkas niya habang nakatingin sa aking mga mata. "I'm so sorry."

"Shh..." Sabay napailing-iling. "Wala kang kasalanan."

"Pero nag-aaway away kayo ngayon dahil sa akin." Malungkot niyang tugon.

Muli akong napailing. "No, you're wrong." Sagot ko na may tipid na ngiti sa labi. "Hindi kami nag-aaway away. And no, this isn't about you." Pagpapanatag ko sa kanya. "It's about us - this family. Everything is all about this family. Wala kang kasalanan."

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now