Chapter 28 Speak, My Love. Speak.

11.4K 699 141
                                    

"I will never stop trying because when you find the one, you never give up."


Kreme POV


"Oh my..."

Parang nakalutang sa hanging sambit ni Harper ng maupo sa katabi kong upuan, dito sa pabilog na lamesang kinaroroonan namin. Ako, sa kaliwa ko si Harper, sa kanan ko naman si Ramjen. Ka-table namin sina Brooklyn at Lily, kasama na ang bunsong kapatid ni Asher na si Ryleigh.

Nasa kabilang lamesa naman sina Asher, Eira, JC, Lauren, Cryler at Irish. Good for six persons ang lahat ng lamesang nandirito, pwera na lang sa lamesang ginagamit ng bride at groom na nasa harapan. Sa kabilang bahagi naman namin nakapwesto sina Finn, Krum at Gabrielle, kasama sina mama Hailey at mommy Stef. Kasama din nila si tito Flynn. Hindi raw nakauwi sina tita Lynn at Lynox dahil may sakit ang huli. Hindi pinayagan ng doktor na bumiyahe.

Tapos na ang wedding ceremony at halos patapos na ang lahat sa pagkain. May mangilan-ngilan nga ring kamag-anak at bisitang sumasayaw sa gitna ng dance floor sa saliw ng isang sweet love song na pinapatugtog sa background. Sa katunayan nga ay kagagaling lang nitong katabi ko sa dance floor kaya parang lutang pa rin ang diwa.

"Okay ka lang, dude?" Nakangising tanong ni Brook kay Harper.

"No, I'm not." Wala sa sariling tugon niya. "But I am more than okay." Dugtong niya na ikinatawa naming lahat na kasama niya dito sa harap ng lamesa. "I think I'm in love!"

Natatawang pabirong sinuntok naman siya ni Ryle sa braso. "Ang corny!" Komento niya. "Hindi bagay sayo!"

"I'm serious, guys!" Nakangiting parang timang na depensa ni Harper sabay inisa-isa kaming tinitigan bago nagbaling ng tingin sa babaeng kasayaw niya kanina, na kasalukuyang nakaupo paharap sa direksyon namin, ilang mesa ang layo mula sa kinaroroonan namin. "She's... she's devastatingly beautiful." Dugtong niya.

"Devastating huh?" Natatawang bigkas ni Lily.

"Yes." Nakangiti pa ring sambit ni Harper habang nakatitig pa rin doon sa babae.

Kaibigan yata ito ni Aryana. Kung hindi ako nagkakamali, siya yata ang may-ari ng isang brand ng kilalang cosmetic company. And if I'm not mistaken, she's older than me!

"She's older than you, Harper." Komento ko. "I mean, a lot older than you."

"She's turning thirty next month." Depensa ni Harper. "And I don't care if she's older than me of eight years." Dagdag niya. "So, what?!"

"Sabagay," Sabad ni Ramjen. "Hindi naman siya mukhang trenta." Komento niya. "Akala ko nga kaedad mo lang e." Sabay nagbaling ng tingin sa akin.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. "At ano ang ibig mong sabihin?" Pagkatapos ay pinaningkitan ko siya ng mata. "Na matanda na ako?"

Natawa siya sa narinig pero ng mapansing hindi ako nakikitawa sa kanya ay unti-unting nawawala ang ngiti niya hanggang sa nauwi sa ngiwi sabay nag-peace sign sa akin. Ginantihan ko lang siya ng napakatinding irap.

Alright, maganda nga 'yong babaeng tinutukoy ng kapatid ko. She's attractive. The kind of attractiveness that will make you a double-take, or trip over something just because you are preoccupied with her. May kung ano sa kanya na nakaka-attrack. Parang si Gabrielle...

Awtomatiko akong napabaling ng tingin sa direksyon niya. Abala siya sa pakikipag-uusap sa mga kasama sa kanilang mesa. She's... well, hihiramin ko muna ang ginamit na pagsasalarawan ni Harper sa kanyang 'crush'. She's devastatingly beautiful, inside and out. It's not just because of her physical attributes, but also her manner, the way she smiles like she's lighting up the whole room every time she does that... For me, she's perfect. She's everything I want and she's everything I need.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now