Chapter 22 The Registered PI

10.9K 613 225
                                    

"Love is patient, love is kind."


Ramjen POV


"Why can't you just stay here?" Nakalabing tanong ni Kreme habang isinasara ko ang zipper ng backpack na naglalaman ng mga gamit ko.

Tumigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya habang nakaupo ito sa gilid ng kama, katabi ng backpack ko.

"Wala ngang kasama si lola." Paliwanag ko. "Hindi naman pwedeng lumiban ng matagal sa trabaho si Josua."

Mas lalo na itong napasimangot sa sinabi ko. "Ba't ngayon pa? Kung kailan kailangan ko ng shield."

Natawa ako ng marahan sa sinabi niya. Itinabi ko ang bag ang naupo sa tabi niya. "Bakit kasi sa may sabit ka pa na-in love?" Napairap siya sa sinabi ko. "Tsaka di mo naman sinabi sa akin na si Gabrielle pala 'yong tinutukoy mo. Baka sakaling natulungan kita." Napapalatak ako. "Sabagay, hindi pa naman tayo magkakilala noon."

"Kaya nga." Masungit niyang segunda.

Napakamot ako sa kilay. "Di ba dapat 'thank you'?"

Napaismid siya tsaka napayuko. "Parang wala ka namang naitulong."

"Aray!" Kunwaring nasaktang bulalas ko. "Malay ko ba na sa kababayan ko pala ikaw nahulog?" Ganti ko. "Bakit kasi di na lang ako? Wala pang sabit, wala kang poproblemahin."

"Mayro'n!" Mabilis niyang kontra.

Napakunot-noo ako. "At ano naman 'yon?"

"'Yang mukha mo!" Kapagkuwa'y unti-unti na siyang napangiti.

"Wow." Kunwaring naiinsultong bigkas ko. "Iba na talaga ang diyosa, mapanlait." Bigla niya akong kinurot sa tagiliran. "Aray ko!" Nakangiwing daing ko. "Masama ka palang biruin, nananakit ka."

Tumawa siya sa sinabi ko. Nakangiting nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Mas bagay sa kanya ang nakatawa o nakangiti. Oo, kahit na mas madalas na masungit o pormal ang kanyang mukha, magandang-maganda pa rin siyang tignan. Pero iba kasi kapag nakangiti na siya o nakatawa. Bihira ko nga lang iyon masilayan.

"Honestly," Sambit niya pagkatapos. "I hate to admit it but," Saglit siyang natigilan habang nakatingin sa akin. "I'm going to miss you."

Pinagtakpan ko ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagbibiro. "Naks, aminin mo na kasing nahuhulog ka na sa akin."

Natawa siya ng marahan sa sinabi ko. "In your dreams, Ramjen."

"Kung ikaw man ang magiging laman ng mga panaginip ko," Sabi ko. "... ayoko ng magising pa."

"Ha-ha. Funny." Sabay napairap ito sa akin.

Kinuha ko ang kanyang kamay at ikinulong ito sa aking palad. Natigilan siya sa ginawa ko at napatingin sa akin.

"Seryoso, Kreme." Saad ko. "Gusto kitang maging masaya." Mula sa kaibuturan ng aking pusong hayag ko. "At kung sa huli ay walang mangyayari sa plano mo, o hindi magiging successful ang mga binabalak mong gawin, tandaan mo, nandito lang ako para sayo."

"Ramjen..." Bigkas niya.

"May karapatan ka ding maging masaya." Seryoso ang mukhang sabi ko.

Lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha. Kapagkuwa'y binawi niya ang kanyang kamay na hawak ko at bigla na lang akong niyakap.

"Thank you, RJ." Madamdaming sabi niya ng kumalas ng yakap pagkatapos ay ginawaran niya ako ng halik sa pisngi.

Umarte akong nahimatay sa ginawa niya. Natatawang hinampas niya ako sa hita. Napangiwi ako sa hapdi no'n.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon